Friday, June 15, 2012

Para Kay Tatay

Bukas, ipagdiriwang ng karamihan ang natatanging araw para sa natatanging lalaki para sa ating buhay, ang Araw ng mga Ama. Normal lang namin itong ipinagdiriwang noong mga nakaraang taon. Pero sa puntong ito, iba na ang lahat. Sa unang pagkakataon, ipagdiriwang namin ang Araw ng mga Ama ng wala ang aming tinuturing na Ama.

Eksakto dalawang linggo ng ihatid namin sa huling hantungan si Tatay.

May 28, 2012, Lunes, pasado ala-una ng madaling-araw ng gisingin ako ng tita ko, si Mommy Elvie. Tumawag raw kasi sa kanya si Nanay, naiyak at hindi maintindihan ang sinasabi. Nasa Philippine Orthopedic Hospital si Nanay ng mga panahong yun, binabantayan si Tatay dahil sa kakatapos na operasyon sa spinal cord

Binigay sa akin ni Mommy Elvie ang cellphone. Tinawagan ko agad si Nanay. Sinagot nya ang tawag ko, pero umiiyak. Bigla nyang sinabi sa akin ang hindi ko ninais na marinig na balita. Wala na raw si Tatay. Iniwan na raw kami ni Tatay. Patay na raw si Tatay. Wala akong nasabi agad. Hinayaan ko lang na marinig ang pag-iyak ni Nanay. "Pupuntahan namin kayo dyan.", yan na lang ang nasabi ko sa kanya bago ko tapusin ang aming usapan.

"Patay na raw po si Tatay. Kailangan natin silang puntahan dun". Mahina pero malinaw ang pagkakasabi ko sa mga salitang yan sa harap ni Mommy Elvie. Umiiyak syang yumakap sa akin. Hindi ako naiyak. Hindi ako maka-iyak sa dahilang hindi ko alam.


Ginising ko ang Ate ko para ibalita sa kanya ang nangyari. Tinawagan ko na rin ang isa ko pang ate, si Ate Nie. Hangga't maaari, kalmado ko lang na sinabi sa kanya ang balita sa kadahilanang buntis sya ng mga panahong yun. Pinaalam na rin namin ang balita kay Lola, ang nanay ni tatay. Kino-convince nya kami at ang sarili nya na baka hindi totoo ang nangyari, na buhay pa si Tatay.

Dalawang sasakyan kaming pumunta sa ospital para sunduin si Nanay at para kunin ang katawan ni Tatay. Tahimik sa sasakyan. Walang nagsasalita.

Maraming tumatakbo sa isip ko sa mga panahong yun. Paano na kami? Paano ang mga gastos? Saan namin ililibing ang mga labi ni Tatay? Paano makaka-move on ang bawat miyembro ng pamilya specially si Nanay? Wala na nga ba si Tatay?

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang papalapit kami sa ospital. Takot. Lungkot. Kabado. Umaasang hindi totoo.

Dali-dali kaming umakyat sa 2nd floor kung saan nandoon ang kwarto ni Tatay. Pagpasok namin ng kwarto, nakita namin si Nanay, nakayuko. Hindi naiyak, tahimik. Pinuntahan namin sya agad. Niyakap at pinilit na pakalmahin. Nag-iyakan na ang mga kasama namin. Gusto ko ng umiyak, pero pinilit kong hindi umiyak. Niyakap ko lang si Nanay. Pinakinggan sya habang nakatingin sa kama kung saan ko huling nakitang buhay si Tatay. Sinamahan kami ni Rialyn sa morgue dahil dinala na raw doon si Tatay. Habang naglalakad kami papunta doon, kinu-kwento ni Nanay kung ano ba ang nangyari. Kung bakit biglaan kaming iniwan ni Tatay.

Malamig na si Tatay ng ipakita sya sa amin. Napuno ng iyak at lungkot ang tahimik na morgue. Hindi ko pa rin iniwan si Nanay. Hawak ko lang sya habang hinihimas nya ang mukha ni Tatay. Kinakausap nila si Tatay at umaasang sasagot ito. Pero wala. Wala kaming narinig na sagot mula sa kanya. Patay na si Tatay.

2:30 ng umaga yun pero 8:00 pa namin pwedeng makuha ang katawan ni Tatay. Nagpumilit kami kung pwedeng mai-uwi na namin sya pero hindi pumayag ang ospital. Napilitan kaming umuwi sa bahay at makipag-usap muna sa funeraria na mag-aayos sa libing at burol ni Tatay. Narinig namin ang hinagpis ni Nanay ng makita nya ang dalawa nyang apo, si Leila and Kurt. Yakap nya ang mga bata habang umiiyak na ibinalita ang nangyari sa kanilang Tatay ("Tatay" rin ang tawag nila sa kanilang Lolo). Makikita mo sa mga mata ng mga bata ang lungkot kahit hindi sila nagsasalita.

Mararamdaman mo ang lungkot sa loob ng sasakyan habang papunta kami sa funeraria. Maririnig mo rin ang mahina pero madamdaming pag-iyak ni Nanay.

Kaming magkakapatid ang nakipag-usap sa funeraria pero hinayaan naming si Nanay ang pumili ng kabaong na paghihigaan ni Tatay. Hindi ko lubos maisip na darating kami sa punto na iyon. Na pipili kami ng kabaong na paghihimlayan ni Tatay.

Pagkatapos maayos ang serbisyong ibibigay kay Tatay ng funeraria, umuwi na kami sa bahay. Isang malakas na iyak ang ibinigay ni Nanay pagpasok nya sa bahay. Hinayaan lang namin syang umiyak para mailabas nya ang nararamdaman nyang sakit. Matagal nyang hinintay ang pagkakataong maka-uwi sa bahay. Sampung araw silang namalagi sa ospital. Sampung araw silang magkasama ni Tatay doon. Sampung araw nyang inalagaan at inalalayan si Tatay para sa madalian nyang paggaling. Hindi nya akalain na sya na lang ang uuwi sa bahay ng buhay. Kasabay ng pag-iyak ni Nanay ang pag-iyak rin ng ibang miyembro ng pamilya. Si Ate at Ate Nie ay umiiyak na rin. Si Lola pati na rin si Leila. Ako? Hindi pa rin.

Sumapit ang 6:30 ng umaga, napag-desisyunan naming magkakapatid na umalis na para kunin si Tatay. Ako at si Ate ang pumunta sa ospital habang pina-uwi muna namin si Ate Nie sa kanilang bahay upang makapag-pahinga at makapag-ayos. Sandali kaming tumigil upang bumili ng mga damit na susuotin ni Tatay sa huling sandali nya dito sa mundo. Isang magandang barong at itim na slacks ang nabili ni Ate Nie.

Dinagsa na ng mga tawag at text messages ng pakikiramay ang telepono ko. Mga kapamilya, kaibigan at ka-opisina. Pinilit kong matulog habang nasa byahe kami papuntang ospital ngunit hindi ako dinalaw ng antok. Marahil dahil na rin sa mga tumatakbo sa isip ko.

Pagdating namin sa ospital, kinontak namin agad si Nurse Ellen, ang Head Nurse ng Operating Room na walang-sawang tumulong sa amin noong nasa hospital pa si Tatay. Pagka-kita nya sa akin, umiyak na rin sya at nagbigay ng pakikiramay sa pamamagitan ng pagyakap sa akin. Dali-dali naming inayos ang dapat naming ayusin para maiuwi na si Tatay. Mabilis rin naman namin itong naayos. Pasado alas-diyes ng umaga ay pabalik na kami ng bahay.

Bago matapos ang araw na yun, umuwi na rin si Tatay sa bahay. Pero hindi sa inaasahan naming paraan at lagay. Ipinapasok palang ang kabaong ni Tatay, umiiyak na si Nanay at si Lola. Naka-alalay ako kay Nanay habang naiyak naman sa tabi ang dalawa kong kapatid. Si Leila ay naiyak rin habang suportado ni Mommy Elvie si Lola. Hindi pa na-kalma ang lahat ng miyembro ng pamilya ay dumagsa na ang dating ng mga taong nakikiramay. Mga kapamilya at malalapit na kaibigan ni Tatay.

Matiwasay ang mukha ni Tatay at pawang naka-ngiti. Sabi nga ng ilan, parang natutulog lang. Sana nga ay natutulog lang sya at gigising rin matapos ang matagal na pamamahinga. Bagay rin sa kanya ang barong at slacks na binili namin para sa kanya.

Kaming magkakapatid at mga malalapit na kamag-anak at kapitbahay ang naghanda ng mga pagkain na ihahain sa mga bisita. Kanya-kanyang kaming trabaho. May mga panahon lang na nawawala kami sa sirkulasyon kapag meron kaming bisita na kailangan i-entertain tulad na lamang ng mga kaibigan o kaya naman ay mga ka-opisina.

Napag-desisyunan naming magkakapatid pati na rin ni Nanay na sa June 3 na ilibing si Tatay. Ililibing sya sa libingan kung saan inilibing ang kanyang Ama. Hiling rin kasi yun ni Lola.

Sa loob ng halos isang linggong namalagi ang katawan ni Tatay sa bahay, maraming mga kapamilya, kaibigan, ka-inuman at mga ka-tambay na dumalaw sa kanya. Hindi ko inakala na ganoong karami ang bibisita sa kanya. Umulan o umaraw man, may mga bumibisita. Sabi nga ni Lola, normal na tao or mamamayan lang naman si Tatay, pero makikita mo na kahit normal na mamamayan lang sya, maraming nagmamahal sa kanya. Maraming tumulong. Maraming nagbigay ng kalinga at pakikiramay. Maraming umiiyak. Nakakatuwa ring isipin na si Tatay ang naging daan para muling magkita-kita ang iba't ibang miyembro ng pamilya namin.

Maulan noong huling araw ng burol. Malakas ang ulan ngunit malakas rin ang buhos ng mga taong gustong sumilip kay Tatay para sa huling pagkakataon. Sa dami ng bisita, hindi na namin alam kung saan namin ipu-pwesto ang iba. Nagkaroon rin ng misa para kay Tatay.

Dumating ang araw ng libing. Kung gaano kalakas ang ulan noong huling araw ng lamay, ganoong kaganda naman ang panahon noong araw ng libing. Malakas yata si Tatay sa taas. May nagsasabi na masaya raw si Tatay kaya biglang nag-iba ang panahon noong sya ihahatid na. Busy ang lahat, maging si Nanay. Pero makikita mo sa mukha nya ang lungkot. 12:30 ng tanghali ang libing pero 12:15 pa lang ay nasa simbahan na dapat si Tatay. 11:45 ng umaga ay nasa bahay na ang mga tao ng funeraria upang kunin at ihatid na si Tatay sa simbahan at sa kanyang libingan.

Umalingawngaw na sa lahat ng sulok ng bahay ang mga iyak nang ilalabas na ng bahay ang labi ni Tatay. Mararamdaman mo ang lungkot at hinagpis lalong-lalo na para kay Lola, Nanay at sa mga kapatid ko. Hindi ko binitawan si Nanay. Hinayaan lang namin nyang isigaw at i-iyak ang nararamdaman nya. Hanggang mailabas na nga ng bahay si Tatay, patuloy lang ang pagdaloy ng mga luha sa mukha ng mga kapamilyang nagdadalamhati sa biglaang paglisan nya.

Binasbasan ng holy water ang kabaong ni Tatay bago isagawa ang misa. Kaming magkakapatid ang naglagay ng puting tela sa ibabaw ng kabaong bago dalhin sa harapan ng simbahan. Si Ate ang naglagay ng holy bible habang si Ate Nie naman ang naglagay ng krus sa ibabaw ni Tatay bago umpisahan ang misa. Matiwasay at makabuluhan ang naging sermon ng pari. Ako ang naatasang magbigay ng huling mensahe para kay Tatay at para sa lahat ng taong pasasalamatan.

Binuksan ang kabaong ni Tatay upang bigyan kami ng pagkakataon na mag-alay ng bulaklak sa kanya. Sa pagkakataong ito, unit-unti ng tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na pinigilan ang pagdaloy ng emosyon. Kung hindi umiiyak ay malungkot ang bawat taong nakapila upang makapag-alay ng bulaklak at maikling panalangin para kay Tatay.

Naglakad kami mula simbahan hanggang sa sementeryo kung saan ilalagak ang mga labi ni Tatay. Tulad nga ng sabi ko, maganda ang panahon. Hindi mainit, hindi umuulan. Sa saliw ng mga emosyonal na kanta, tinahak namin ang huling hantungan nya. Hindi na tumigil ang pagtulo ng aking luha kasabay ng pag-akbay ko at paminsan-minsang paghagod sa likod ni Nanay upang kahit papaano'y mapakalma ko sya.

Sa huling pagkakataon, sa harap ng puntod kung saan sya ililibing, muli naming pinagmasdan si Tatay. Nagbigay ng huling iyak at huling habilin sa kanya. Lahat kami ay emosyonal. Lahat ng tao na nakapaligid sa amin ay emosyonal.

Matapos ang ilang minuto, nakita namin ang aming mga sarili na palayo sa kanya. Papunta sa kung saan na hindi sya kasama. Ang haligi ng aming bahay. Ang nagtaguyod sa amin. Ang nagbigay ng respeto, pagkalinga, proteksyon at pagmamahal. Ang nagsakripisyo para mapag-aral kaming magkakapatid. Ang sumasalo ng mga sugat na dapat ay kami ang nagdusa.

Wala na si Tatay.

Wala ng magmamahal at mag-aalaga sa amin tulad ng pag-aalaga at pagmamahal na binigay nya samin.

Wala ng magba-bike at bibili ng pandesal tuwing umaga.

Wala ng maghahatid at susundo kay Leila sa eskwelahan.

Wala ng mag-aalala kapag umuulan ng malakas.

Wala ng kakanta ng "Faithfully" sa videoke kapag may handaan.

Wala ng mgagalit sa mga ate ko kpag pinapagalitan sila Leila and Kurt.

Wala na si Tatay.

Hindi man namin sya kasama, alam kong binabantayan at minamahal nya kami tulad ng pagbabantay at pagmamahal na inihandog nya sa amin noong sya ay nabubuhay pa.

Maligayang Araw ng mga Ama, 'tay.

Mahal ka namin.


*Para kay Melencio S. Camerino (1954 - 2012)

Wednesday, June 15, 2011

"Ivy" not "Abby"

I attended the wedding of my cousin last June 15th.

I was part of her wedding entourage.

During the wedding preparation, my mother was the in-charge of all the food. Sya ang head chef kumbaga. They prepared the food sa house ng bride.

One of my cousin, Lovely, was fixing the hair and make-up of my niece, Leila.

Lovely asked me to call my Mother and ask her about the flowers that will be put to Leila's hair.

On the phone,

Myself: Hello 'Nay, ok na raw ho ba yung bulaklak kasi ilalagay na ni Lovely sa buhok ni Leila yun.

Mother: Ay teka, iche-check ko kung pwede ng kunin. Nga pala anak, ikaw raw ang magkakabit nung bail kina Mae and Rommel.

Myself: Sige ho. Sino ba hong ka-partner ko?

Mother: Si Abby.

Myself: Ah talaga ho.

After I heard it, my sister came out from her room then told me,

Ate: Si Ivy ang ka-partner mo. Yung friend ni Mae.

Myself to Mother: 'Nay, "Ivy" pala hindi "Abby".

Mother: Ah oo nga. Ivy nga.

Myself: Sige ho. Tawag na lang kayo kapag pwede ng kunin dyan yung mga bulaklak.

Mother: Ok. Ba-bye.

***

Tuesday, February 15, 2011

"The Jennifer Sarangay" entry

Just yesterday, one of my closest colleague was called by my boss for a close door conversation.

We never expected anything about the meeting.

Baka kasi tungkol lang sa trabaho or panibagong workload lang naman ang idi-discuss sa kanya.

After a couple of minutes, she went out of our boss' office smiling.

So I assumed na good news ang sinabi sa kanya ni boss.

Then suddenly, she gave me a note:

"Starting tomorrow, sa VPA na ko."

VPA is one of our sister company.

Our office is located on the 7th floor while VPA was on the 4th.

After reading it, I just smiled back to her and replied with a note of a frown face emoticon.

This morning, before she leave our office, she gave me sandwich and said:

"Bye Lawn. Mami-miss kita."

I was so sad after hearing it straight from her.

Though we're just on the same building, iba pa rin yung kasama namin sya sa office.

Katawanan.

Kasabay sa lunch.

Binabalahura.

Nangbabalahura.

Well, maybe I'm just over-reacting on the situation.

I don't know.

:(

***

Tuesday, February 1, 2011

Kinilig. Kinikilig. Kikiligin.

Before, nalilito ako sa feelings na "infatuation", "crush", "admiration" and "love".

Now, hindi pa rin ako sure sa mga words / feelings na yan.

But I'm sure, naramdaman ko na lahat ng mga feelings na yan sa iba't ibang babaeng naging parte ng buhay ko.

Heto sila.

* Ikaw ang kauna-unahang babaeng binigyan ko ng rose. Grade two tayo noon. Valentine's day. Kinuha ko pa yung nalalantang rose sa Ate ko na kakatapos lang mag-celebrate ng 18th birthday. Hindi natin alam, tayo palang dalawa ang maglalaban para sa title na Valedictorian.

* Dahil pareho tayong MEDYO malusog, pinakanta tayong dalawa ng adviser natin during our Recognition Day. Akalain mong kinanta natin ang "Sometimes When We Touch".

* Transferee ka noon sa elementary school na pinapasukan ko. Maganda ka. Maputi. Chinita. Grade 5 ako, grade 4 ka. Tinropa ko ang mga tropa mo para mapalapit ako sa'yo. Napalapit ba ako sa'yo? Parang hindi naman yata.

* You caught my attention during our first day in high school. Nangangapa pa ako noon dahil wala akong kilala sa section natin hindi tulad mong may mangilan-ngilan ng kilala. Matalino ka. Galing ka sa school kung saan laging pinagdarausan ng mga Quiz Beez, Sports Tournament, etc.

* Pareho tayong nasa highest section that time. Ang pinagkaiba lang, first year ako at second year ka naman. Member ka ng dance troupe ng school natin katulad ng mga kaibigan mo. Maganda ka. Dahil siguro nabaliw rin ako sa'yo, ginamit ko ang nickname mo bilang codename ko sa Monito Monita ng section namin. Laban? :)

* Ewan ko kung anong nakita ko sa'yo. Hindi ko alam. Basta naging crush na lang kita, dahilan kung bakit naging magka-"loveteam" tayo sa section natin. Tayong dalawa pa ang magka-duet sa subject na PEHM. kung saan kinanta natin ang "My Valentine". Kinilig ako noon dahil isang microphone lang ang gamit natin. Sana kinilig ka rin.

* Second year high school ako noon. First year ka naman. Classmate ka ng childhood friend ko. Lagi kang mag-isang naghihintay ng tricycle pauwi. Cute ka. Kaya kinuha ko ang number mo from my childhood friend. After our first telephone conversation, naging malapit na tayo sa isa't isa. Lagi tayong magka-usap sa telephone. Nagpapalitan pa nga tayo ng sulat. Inamin ko sa'yong crush kita. Nilayuan mo ko. Pero matapos mo kong layuan, nagdecide akong wag ng i-pursue ang nararamdaman ko sa'yo. Kaya hanggang ngayon, magkaibigan pa rin tayo. Kampay para dyan!

* Una kitang nakita sa programang "Wish Ko Lang". Simula noon, lagi na akong nanonood ng programa mo. Natuwa naman ako ng malaman kong lilipat ka na sa Channel 2 sa kadahilanang laging mga palabas sa Channel 2 ang pinapanood sa bahay. Meaning, lagi na kitang napapanood. Hanggang ngayon, crush pa rin kita kahit na napapansin na ng mga officemates ko na medyo humahaba na ang buhok mo ngayon. Hindi kasi kami sanay na naitatali mo ang buhok mo.

* Third year high school tayo pareho. Tatlong taon na tayong magka-klase. Pero hindi tayo ganoong nagpapansinan. Siguro dahil magka-iba tayo ng grupo ng kaibigan. Minsan, dumaan ka sa harapan ko. Maganda ka pala. Singkit ang mata mo. Maganda ang boses mo. Simula noon, naging crush na kita. Hindi ko alam, may nararamdaman din pala sa'yo ang isa sa mga kaibigan ko. Hindi lang sya, pati yung iba nating classmates ay may nararamdaman rin sa'yo. Fourth year na tayo. Minalas na napa-iba ako ng section. Pero hindi ako tumigil para mapalapit sa'yo. Nakikipagpalitan ako ng sulat sa'yo. Natuwa naman ako dahil sinasagot mo ang mga yun. Nalaman ko na hindi ka pa pwedeng ligawan kaya nagulat na lang ako ng sagutin mo siya na galing sa ibang section. Nagalit ako noon, kahit wala naman akong karapatan.

* We belong on the same group of friends. Pero hindi tayo ganoong kadikit. Pero natuwa na lang ako dahil may pagkakapareho pala tayo. Nagsimula tayong maging close. Lagi tayong nag-uusap sa telephone. Basta, naging close tayo. Pero alam ko na hanggang friendship lang talaga ang kaya mong i-offer sa akin. Tinanggap ko naman yun. Wala naman ako sa katayuan para magreklamo pa.

* First year college. Ikaw ang kauna-unahang babaeng nakita kong naka-rubber shoes with matching palda. Mahinhin ka. Tahimik. Hindi mo naman talaga malalaman na crush kita kung hindi lang sinabi sa'yo ng kaibigan mo na nagkataong classmate ko nung elementary. Karaniwan na yata sa babae ang umiwas kapag nalaman nilang may nararamdaman sa kanila ang isang lalaki. Ayun, iniwasan mo ko. Pero, parang friendship na rin natin ang nagdesisyon. Friendship na rin ang nagsabi na hanggang friends na lang tayo. Pero may agreement tayo na once we reach 40 years old tapos wala pa rin tayong partner, tayo na. Ginaya natin yan sa movie ni Sharon Cuneta and Aga Muhlach.

* I attended the orientation of NSTP / ROTC during my first year in college. Sa orientation na yun malalaman ng mga students kung sa NSTP ba or sa ROTC sila sasali. Nakita kita bigla, bilang isa ka sa mga officers ng ROTC. Nagulat na lang ako ng malaman kong pareho pala tayo ng course ni kinukuha. Naisip kong sumali sa ROTC pero sawa na kasi ako sa mga trainings at push-ups dahil officer ako dati sa CAT when I was in high school kaya hindi na lang ako nag-pursue. Nakipag-kilala na lang ako sa'yo during our Acquiantance Party. Ayun, kalog and makulit ka rin naman pala.

* May seminar sa Room 110. Invited ang lahat ng Psychology students. Ikaw ang speaker. Wala akong naintindihan sa lecture mo dahil nakatulala lang ako sa'yo. Buntis ka that time kaya hindi ka namin nakasama during our second year in college. I was shocked and surprised when we discovered na magiging professor ka namin sa mga major subjects namin. I strove hard in our subjects para magpa-impress sa'yo. Marami akong kagaguhang ginawa for you. Isa na rito ang pagtago ng Chokies cookies na binigay mo sa amin as a conzolation prize. May blog entry rin ako na dedicated sa'yo.

* Four years tayong magka-klase. Pero sinabi ko ang feelings ko sa'yo during our fourth year. Tinanong ako ng mga kaibigan natin kung ano ang nakita ko sa'yo. Wala ka kasing arte sa katawan. Nagja-jive yung personalities natin. Tulad ng iba, nailang ka sa akin. Pero naging normal rin ang lahat after noon. And after noon, alam ko na kung saan ako lulugar. Now, we are constant chatmates and the bond are still there.

* Kung meron akong binigyan ng isang rose when I was in grade 2, ikaw naman ang kauna-unahang binigyan ko ng isang dosenang roses. That was during my second to the last day of my stay in my previous company. Dumagundong ang buong office ng dumating yung pinadeliver kong roses. Nag-blush tayo pareho. On my last day, I invited you for a dinner. I was so glad to hear that you granted my invitation. After that, nawala ang communication natin dahil na rin sa paglipat ko ng ibang kumpanya. After couple of months, nagkaroon tayo ng constant communcation. Noong nagparamdam na ko na gusto kitang ligawan, nagpasaring ka at sinabi mong magco-concentrate ka muna sa review dahil magte-take ka ng exam para maging CPA ka na. So we ended up as textmates.

Kilala mo ba sila lahat?

***

Wednesday, January 19, 2011

One Minute

Because of the stress given to me by my daily job responsibilities, I decided to sit down in my work station, stare, think of anything and write it down in a piece of paper. All done for a minute. Listed below are the things, emotions, people and everything I wrote for a minute.

1. Pia Arcangel
2. signage maker
3. 96.3 Easy Rock
4. work
5. balance both
6. IELTS Examination
7. thousand per year
8. someone to hold
9. mongol pencil
10. sandbox
11. Angelica Panganiban
12. lunch
13. cream-o deluxe
14. isopropyl alcohol
15. remote
16. listen
17. Beyonce Knowles
18. sheet metal worker

I don't know if this activity helped me lessen the stress I'm feeling right now. But, really, i had fun doing this.

Try this one.

Your one minute starts now.

***

Monday, December 27, 2010

Year of the Tiger

Year of the Tiger ako pinanganak.

July 08, 1986.

Year of the Tiger din ang malapit na matapos na taong 2010.

Sinwerte ba ko sa taong ito o hindi?

Naging masaya ba ako o hindi?

Marami ba akong na-achieve ngayong taong ito?

Let's see.

Listed below are the highlights and sidelights of my 2010.

* The birth of "Tip of the Tongue".

* This my first time to attend in our annual High School Alumni Homecoming. Masaya kasi I got the chance to meet my high school classmates and friends after a couple of years.

* Nabuo ang Saturday Group. Composed of Jes, Diane, Miel, Ella and myself. Actually, we all belong to our group named "Kulto Inc.". It just happened na when we decided to meet up, kaming lima lang yung available and medyo madaling hagilapin kapag may mga get togethers. The group was formed during our first ever dinner at Sweet Solutions Cafe then head on to Starbucks Tagaytay. Biglaan lang ang pagpunta sa Tagaytay dahil sa Sweet Solutions Cafe lang ang original plan. Second gig ng group ay the Alice in Wonderland movie. Unfortunately, hindi ako nakasama. Zip line mode naman ang third gig in Tagaytay. Unfortuantely ulit, hindi na naman ako nakasama. Fourth one was during Diane's birthday. After having our dinner on her house, we went to Island Songs to sing. Why Saturday Group? Because we usually conduct our get together every Saturday.

* Speaking of Kulto Inc., after so many years, we had our dinner in Yellowcab in Imus. Present sila Jes, Ella, Diane, Tintin, Ritchelle, Jerick, Roron, RJ and myself. Nasundan ito ng kantahan sa bahay nila Ella with Jes, Diane and myself. Na-experience din namin for the first time ang food sa Cafe Marcelo with Jes, Roron, Jean, Diane, Ella and me. We even celebrated the wedding of Richard and his fiance. Sayang kasi hindi ako nakasama. At the last quarter of the month, we had our dinner at Frio Mixx then coffee at Sweet Solutions Cafe. Kasama sila Diane, Miel, Mariekris, Richard, Tintin, Roron, Jerick, Ella, Jes and me, Dito napag-planuhan ang first ever Christmas party ng group. Just this month, we held our Christmas party at Shakey's and Island Songs with RJ, Jes, Ella, Miel, Diane, Jerick, Mariekris and me. Until next gig guys.

* Because of Facebook, I also got the chance to meet again some of my elementary classmates and friends. We're only six pero masaya pa rin. Kudos to Lei, Jane, Sherwin, Rona and Lian.

* Hindi naman papatalo ang college friends ko. I organized our reunion after three years. Dinner and coffee naman sa Tagaytay. Present sa event sila Jerome (with his wife Cherry and daughter), Lilia (with her boyfriend Ariel), Mina, Cherrie (with her boyfriend Kish), Lorna, Roylan and me. After the reunion, our batch went to Pangasinan for our first ever out of town summer getaway. Lorna, Ghie, Chelsea, Ryan, Jhec, Kish, Cherrie, Lilia, Ariel, Cherry, Jerome and Me enjoyed the Hundred Islands. Maraming hassles pero good thing is, successful naman. Until next year psychos.

* We hitted our assigned target this year. Ayun, increase ang kapalit. :)

* Our whole family went to Kingbee for a late dinner / early midnight snack to spend my Mother's birthday.

* My birthday. I brought menudo and pichipichi for my colleagues. Then I invited my childhood friends to drop by in our house to eat some pancit malabon and sopas.

* I just got my new phone. Actually, hindi sya new kasi dati na syang ginagamit ng brother-in-law ko. Nokia 6760 Slide ang tawag sa kanya. Orginal price is 11K pero nabili ko ng 2K. Laban!

* Marami akong na-deploy na applicants bound to Australia. Tradition na yata sa office namin na kapag may aalis na applicant, required syang magpakain. Ayun, everytime na may aalis na applicant, lagi kaming busog.

* Ms. Jhen treated us to Music 21. Videoke house sa may Malate. Because of that, kapag nagkakayagan na magkantahan, sa Music 21 lagi ang target ng tropa.

* Every All Saints' Day, me and my childhood friends make sure that we visit our dead loved ones. But this year, we failed. Lakas kasi ng ulan.

* Family dinner for Tatay's birthday held at Gerry's Grill. Sarap ng sisig.

* Christmas party at the office. Riot sa dami ng foods and goodies. Riot rin dahil sa kabaliwan ng mga colleagues. Pero honestly, this was the happiest office Christmas party I attended since I started working.

* Bowling session with my childhood friends at Paeng's Bowling Center. Tapsilog after. Then, konting inuman.

* Noche Buena

* Media Noche

Ikaw?

How's your 2010?

***

Tuesday, December 21, 2010

Short and Sad

December 19, 2010
Sunday
Around 8:30 in the evening

Me, my Nanay and Ate were discussing everything about Leila's (my niece) 7th birthday.

Nanay said, "Wag na lang maghanda ng enggrande dahil sa hirap ng buhay ngayon."

Obviously, she's being practical.

At the middle of conversation, Nanay just said to my Ate:

"Sa debut nya na lang mo sya ipaghanda... Kung aabutin pa namin yun."

Short statement.

Sad truth.

***