Monday, December 27, 2010

Year of the Tiger

Year of the Tiger ako pinanganak.

July 08, 1986.

Year of the Tiger din ang malapit na matapos na taong 2010.

Sinwerte ba ko sa taong ito o hindi?

Naging masaya ba ako o hindi?

Marami ba akong na-achieve ngayong taong ito?

Let's see.

Listed below are the highlights and sidelights of my 2010.

* The birth of "Tip of the Tongue".

* This my first time to attend in our annual High School Alumni Homecoming. Masaya kasi I got the chance to meet my high school classmates and friends after a couple of years.

* Nabuo ang Saturday Group. Composed of Jes, Diane, Miel, Ella and myself. Actually, we all belong to our group named "Kulto Inc.". It just happened na when we decided to meet up, kaming lima lang yung available and medyo madaling hagilapin kapag may mga get togethers. The group was formed during our first ever dinner at Sweet Solutions Cafe then head on to Starbucks Tagaytay. Biglaan lang ang pagpunta sa Tagaytay dahil sa Sweet Solutions Cafe lang ang original plan. Second gig ng group ay the Alice in Wonderland movie. Unfortunately, hindi ako nakasama. Zip line mode naman ang third gig in Tagaytay. Unfortuantely ulit, hindi na naman ako nakasama. Fourth one was during Diane's birthday. After having our dinner on her house, we went to Island Songs to sing. Why Saturday Group? Because we usually conduct our get together every Saturday.

* Speaking of Kulto Inc., after so many years, we had our dinner in Yellowcab in Imus. Present sila Jes, Ella, Diane, Tintin, Ritchelle, Jerick, Roron, RJ and myself. Nasundan ito ng kantahan sa bahay nila Ella with Jes, Diane and myself. Na-experience din namin for the first time ang food sa Cafe Marcelo with Jes, Roron, Jean, Diane, Ella and me. We even celebrated the wedding of Richard and his fiance. Sayang kasi hindi ako nakasama. At the last quarter of the month, we had our dinner at Frio Mixx then coffee at Sweet Solutions Cafe. Kasama sila Diane, Miel, Mariekris, Richard, Tintin, Roron, Jerick, Ella, Jes and me, Dito napag-planuhan ang first ever Christmas party ng group. Just this month, we held our Christmas party at Shakey's and Island Songs with RJ, Jes, Ella, Miel, Diane, Jerick, Mariekris and me. Until next gig guys.

* Because of Facebook, I also got the chance to meet again some of my elementary classmates and friends. We're only six pero masaya pa rin. Kudos to Lei, Jane, Sherwin, Rona and Lian.

* Hindi naman papatalo ang college friends ko. I organized our reunion after three years. Dinner and coffee naman sa Tagaytay. Present sa event sila Jerome (with his wife Cherry and daughter), Lilia (with her boyfriend Ariel), Mina, Cherrie (with her boyfriend Kish), Lorna, Roylan and me. After the reunion, our batch went to Pangasinan for our first ever out of town summer getaway. Lorna, Ghie, Chelsea, Ryan, Jhec, Kish, Cherrie, Lilia, Ariel, Cherry, Jerome and Me enjoyed the Hundred Islands. Maraming hassles pero good thing is, successful naman. Until next year psychos.

* We hitted our assigned target this year. Ayun, increase ang kapalit. :)

* Our whole family went to Kingbee for a late dinner / early midnight snack to spend my Mother's birthday.

* My birthday. I brought menudo and pichipichi for my colleagues. Then I invited my childhood friends to drop by in our house to eat some pancit malabon and sopas.

* I just got my new phone. Actually, hindi sya new kasi dati na syang ginagamit ng brother-in-law ko. Nokia 6760 Slide ang tawag sa kanya. Orginal price is 11K pero nabili ko ng 2K. Laban!

* Marami akong na-deploy na applicants bound to Australia. Tradition na yata sa office namin na kapag may aalis na applicant, required syang magpakain. Ayun, everytime na may aalis na applicant, lagi kaming busog.

* Ms. Jhen treated us to Music 21. Videoke house sa may Malate. Because of that, kapag nagkakayagan na magkantahan, sa Music 21 lagi ang target ng tropa.

* Every All Saints' Day, me and my childhood friends make sure that we visit our dead loved ones. But this year, we failed. Lakas kasi ng ulan.

* Family dinner for Tatay's birthday held at Gerry's Grill. Sarap ng sisig.

* Christmas party at the office. Riot sa dami ng foods and goodies. Riot rin dahil sa kabaliwan ng mga colleagues. Pero honestly, this was the happiest office Christmas party I attended since I started working.

* Bowling session with my childhood friends at Paeng's Bowling Center. Tapsilog after. Then, konting inuman.

* Noche Buena

* Media Noche

Ikaw?

How's your 2010?

***

Tuesday, December 21, 2010

Short and Sad

December 19, 2010
Sunday
Around 8:30 in the evening

Me, my Nanay and Ate were discussing everything about Leila's (my niece) 7th birthday.

Nanay said, "Wag na lang maghanda ng enggrande dahil sa hirap ng buhay ngayon."

Obviously, she's being practical.

At the middle of conversation, Nanay just said to my Ate:

"Sa debut nya na lang mo sya ipaghanda... Kung aabutin pa namin yun."

Short statement.

Sad truth.

***

Wednesday, December 15, 2010

Limitations

Sad to say, negative topic ang first entry ko sa pinakamasayang buwan ng taon.

Wala lang.

Nagka-badtripan lang sa office dahil sa SISIG.

You read it right.

Dahil lang sa SISIG.

Mababaw.

Maski ako, nabababawan eh.

Pero dahil sa kababawan na'to, i just realized na may limitations din pala ang lahat ng bagay.

At alam mo dapat sa sarili mo kung hanggang saan ka lang.

Alam mo kung hanggang kailan ka magpa-pasensya.

Alam mo kung hanggang kailan ka hihingi ng pasensya.

Alam mo kung gaano karami ang kakainin mo sa hapunan.

Alam mo kung gaano mo katagal ibabad ang sarili mo sa bath tub.

At marami pang iba.

Ikaw at hindi ang ibang tao ang dapat na magse-set ng limitation na yon.

Lessons learned:

"Kailangang hugasan ang baso kapag kabibigay pa lang. Baka kasi amoy ipis."

"Kahit gahaman ka at paborito mo ang pagkain na nakahain, mamigay ka."


***

Monday, October 18, 2010

Sa Coffee Shop

(babae)

Pinili kong maging tahimik.

Pareho tayong nabibingi sa katahimikan.

Tahimik sa kabila ng katotohanang tayo'y napapaligiran ng mga estranghero na may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan.

Mayroong abala sa pagtipa ng kanyang laptop habang dahan-dahang inuubos ang kanyang isang paswelong kape.

Isang grupo naman ng mga magkakaibigan ang nasa kabilang dako ng kapihan na animo'y sinisilaban dahil sa usok na ibinubuga ng kanilang mga sigarilyo. .

Nasa bandang likod naman ang dalawang babaeng posturang-postura ang kasuotan at mababanaag mong maganda ang katayuan sa buhay.

At tayong dalawa.

Binanggit mo ang aking pangalan.

Kasabay nito ang malumanay na pagsigaw din ng barista ng aking pangalan upang ipahiwatig na handa na ang inorder kong kape.

Pinili kong lumingon sa barista.

Tumayo ako at tiningnan kita habang papunta ako sa counter upang kunin ang mainit at naghihintay na kape.

Naiwan kang nakabuka ang bibig dahil sa biglaang pagpigil ng kung anumang kailangan mong ilahad sa akin.

Binalikan kita sa ating mesa.

Hindi pa rin tayo nagkikibuan.

Alam kong hindi mo alam ang laman ng isip ko.

Pero ako, alam na alam ko.

Mahal kita.

Mahal na mahal.

Masaya ako sa tinatakbo ng relasyon natin.

Masaya ako kapag naaalala ko ang pagtakbo natin ng mabilis sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan dahil wala tayong dalang payong noong nakaraang linggo.

Pati na rin ang pagluluto mo ng pagkain kapag natatalo kita sa larong sungka.

Masaya ako sa ginagawa ko.

Masaya ako na mahal kita.

Sa katunayan, gustong-gusto ko ng ibalita sa'yo na magiging tatay ka na.

Na madadagdagan na tayo.

Na nagbunga ang ating pagmamahalan.

Hinihintay ko lang sabihin mo ang dahilan kung bakit bigla mong napagdesisyunang makipagkusap kahit na nakatakda tayong magkita sa susunod na araw.

Napaso ang aking labi dahil sa init ng kapeng aking iniinom dahilan ng pagbalik ko sa aking katinuan.

Kasunod nito ang paglabas sa iyong bibig ng mga katagang: "Ayoko na."

Tuluyan ng walang lumabas na salita mula sa aking bibig.

Ngunit sumisigaw sa aking utak ang tanong na "Bakit?".

Ilang minuto lang ang nakakalipas matapos kong marinig ang iyong sinabi, tumulo na ang aking mga luha.


(lalaki)

Pareho tayong tahimik.

Nakakabingi ang katahimikan.

Tahimik sa kabila ng katotohanang tayo'y napapaligiran ng mga estranghero na may kanya-kanyang pinagkaka-abalahan.

Mayroong abala sa pagtipa ng kanyang laptop habang dahan-dahang inuubos ang kanyang isang paswelong kape.

Isang grupo naman ng mga magkakaibigan ang nasa kabilang dako ng kapihan na animo'y sinisilaban dahil sa usok na ibinubuga ng kanilang mga sigarilyo.

Nasa bandang likod naman ang dalawang babaeng posturang-postura ang kasuotan at mababanaag mong maganda ang katayuan sa buhay.

At tayong dalawa.

Sabay mong narinig ang iyong pangalan.

Ang isa’y galing sa barista na nagsasabing handa na ang kapeng kanina mo pa hinihintay.

Ang pangalawa’y galing sa akin, nagpapahiwatig na mayroon kang kailangang malaman.

Pinili mong lumingon sa barista at tumayo papunta sa counter upang kunin ang mainit mong kape.

Naiwan akong nakabuka ang bibig dahil sa biglaang pagpigil ng paglabas ng dapat kong ilahad sa'yo.

Bumalik ka sa kinauupuan mo.

Wala pa ring kibuan.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan mo.

Pero mababasa sa isipan ko ang iba't ibang bagay.

Ang alam ko, mahal kita.

Mahal pa rin kita.

Pero hindi ko na kaya.

Hindi ko na kaya ang nangyayari sa'ting dalawa.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa atin ang mga ganitong bagay.

Ang ginawa ko lang naman at ginagawa pa rin haggang ngayon ay ang minahal at mahalin ka.

At alam kong yun din ang ginawa mo at ginagawa mo rin hanggang ngayon.

Natatandaan ko pa ng imbitahan tayong dalawa para dumalo sa isang corporate event.

Alam mong hindi ako sanay sa mga ganoong pagtitipon kaya nagdesisyon kang umalis na lamang sa kalagitnaan ng pagtitipon at piniling tumambay na lang sa Quezon City Circle upang kumain ng chicken balls.

Hindi rin mawawala sa aking isipan ang dalawang araw mong paggabay at pagdamay sa akin ng mga panahong hindi ko matanggap na hindi ko naipasa ang bar examination para tuluyan na akong maging isang ganap na abogado.

Sa mga ganoong paraan, pinapahiwatig mo sa aking importante ako sa'yo.

Na importante sa'yo ang meron tayo.

Lahat naman yan ay nararamdaman ko.

Ngunit sa kabila ng ganitong mga sitwasyon sa ating relasyon, naghahanap pa rin ako ng kung anumang kulang sa'tin.

May kulang.

At sa bandang huli, sarili ko na rin ang naka-diskubre ng hinahanap kong kakulangan sa ating relasyon.

Kulang tayo ng oras para sa isa't isa.

Mali na sa ating dalawa lang umiikot ang mundo.

Wala na tayong inaasahan kundi ang bawat isa.

Ayokong dumating sa puntong hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko.

Makakabuti siguro na tapusin na natin ang relasyong ating pinagsaluhan, iningatan at pinaglaban.

Sa isang iglap, bumalik ako sa katinuan at nabanggit ang mga katagang: "Ayoko na."

Ilang minuto lang, pumatak na ang iyong mga luha.

***

Thursday, September 23, 2010

Chelsea!!! Nag-iisa ka!!! (Part 2)

Scenario: We are too busy editing resumes of applicants for sending.

Marlon: Dude, may naka-charge ba? (referring to a mobile phone)
Chelsea: Wala.
Marlon: Pwedeng pa-charge ako?
Chelsea: Ok sige. Charge ko na yung RESUME mo.
Marlon: laughing

End of conversation.

***

Tuesday, September 21, 2010

Thesis

Let’s go down memory lane.

We’re on our Methods of Research subject with Ma’am Mercado that day when she instructed us to form a group. She informed us na the group that we will be forming will be our permanent group sa paggawa ng thesis. Parang hindi rin naman kami dumaan sa comprehensive process of choosing a group. Kung sino kasi ang magkakaibigan, yun na rin ang magkakagrupo. Magandang strategy na rin yun para gamay ng bawat isa ang isip at galaw ng bawat isa.

Ok, we had our group na. Here are my group mates:

1. Arlyn Rose Apistar
2. Cherrie Abalos
3. Sharon Escover
4. Celly Pon-an
5. Jesica Petre
6. Lorie Joy Saliva

After ma-finalize ang groupings, sinabi na sa amin ni Ma’am Mercado na mag-isip ng topic. That time, all of us are so clueless of what topic to bring up. Napakarami naming revisions na ginawa before we come-up to a topic that we will tackle until we finish our final defense.

We decided to create a study about the Mental Ability and Multiple Intelligences of college students who belong to university’s President’s List and Dean’s List in a specific semester. We want to know the difference of that two factors and how it affects the performance of our honor students.

After all of topic revisions, Ma’am Mercado asked us to have a thesis adviser. We hurriedly went to Guidance Office to talk to Ma’am Saul, our Psychometrician and requested her to guide us in doing our study. In all fairness to Ma’am Saul, she didn’t give us a hard time in convincing her to be our adviser.

Dito na nag-umpisa ang delubyo ng grupo. Naranasan rin namin dito ang sinasabing the hardest part of college life is on our third year. Totoo, mahirap. Mahirap pero masaya kasi nga we are all friends formed in a group.

Hirap na hirap kami:

• sa pagpili ng group leader. Hindi ko rin tinanggap ang maging group leader kasi maging member nga eh mahirap na, maging leader pa kaya. So we decided na wala ng maging leader. Pero hindi rin pala tatakbo ang grupo kapag walang nagmamando. So we ended up mandating each other. Tama ba guys?

• sa distribution of responsibilities.

• sa pagpili sa psychological tests na gagamitin para ma-compare namin ang difference ng MA (Mental Ability) and MI (Multiple Intelligences) ng mga honor students ng university.

• sa paghahagilap at pagmamakaawa sa mga honor students to take the tests that we prepared for them. May mga ayaw talaga. Pero meron naman na malaman lang na may free snacks eh napakabilis na umaayon sa gusto naming mangyari.

• in researching related studies. Laman kami ng iba’t ibang libraries sa loob ng university.

• in computing the data that we gathered.

• sa pagta-type. Mabagal kasi kaming mag-type lahat. Si Lorie lang yata ang mabilis mag-type sa amin. Ngayon, si Cherrie na.

• sa pagpapa-check kung tama na ba ang pinagagawa namin.

• sa pag-iisip kung ano ba ang kakainin namin kapag nagta-trabaho kami sa bahay nila Lorie. Pero we always ended up eating pancit canton, kanin lamig at ang paborito naming mango flavored juice. (Namiss ko naman bigla yun pati na ang lumpiang sariwa na lagi kong binibili kapag dumadaan yung nagtitinda ng mirienda.)

• sa biglaang pagback-out ni Ma’am Saul as our thesis adviser. Nakuha na pala sya ng other group. Sobrang nawala kami sa sirkulasyon that time because wala kaming malapitan. Habang wala pa kaming nakukuhang thesis adviser, nakikiconsult muna kami kay Ma’am Mercado na thesis adviser naman ng isa pang grupo. At the end, we chose Ma’am Fulgado. That time, she was newly hired as our new OSA chairperson. Ok si Ma’am Fulgado. Pero dahil nga sa newly hired at hindi rin naman biro yung position nya, kailangan naming mag-adjust sa schedule nya. Hindi namin sya malapitan during the time na kailangan namin sya. Wooooooooh! Bitter!!!

Final Defense. That’s when we were on our first semester of our forth year. A couple of days before the defense, nagkaroon pa ng problema ang grupo dahil nagalit sa amin si Lorie. Napagkasunduan kasi ng grupo without informing her na sya ang kailangang gumawa ng powerpoint presentation na gagamitin namin sa final defense. She got mad when we informed her about that. As in nagalit talaga sya. Even her sister got mad at us. Nagworry pa kami for her kasi she’s pregnant that time.

Dumating ang araw ng Final Defense. Semi-formal ang attire. Kabado ang lahat lalong-lao na ang grupo namin kasi galit pa rin samin si Lorie. Hindi rin kasi naming alam kung ginawa nya ba yung powerpoint presentation. Tensyonado kami ng biglang dumating si Lorie dala-dala ang powerpoint presentation na gagamitin namin.

Ako ang nag-introduction (draw lots ang ginawa kung sino ang mag-iintro). Naging smooth ang deliberation ng findings ng study until one of the panelists asked a question. Damn! Yun pa naman ang pinaka-kinatatakutan ko kapag magtatanong na ang mga panelists. Fortunately, nasagot naman namin ang mga tanong nila. More than 10 minutes din kaming sumalang sa defense.

Iba ang pakiramdam paglabas namin sa Room 110. Worth it lahat ang pagod namin.

As time went by, pinabookbind na namin ang resulta ng aming pinagpaguran. Hindi ko na rin nakita ang finish product because I was undergoing my On-The-Job Training when we submitted it. Hindi na naman importante yun. What’s important is we successfully done our best for our study.

You? How’s your thesis experience? Care to share.

***

Dedicated to my thesis groupmates.

Wednesday, September 15, 2010

Mga Kwentong Walang Kwenta

*Sumasakit ang ulo ng mga recruiters kapag dumarating na ang “ber” months. Wala na kasing mga aplikanteng naghahanap ng panibagong trabaho or nagbabalak na umalis sa kanilang mga kumpanya dahil sayang nga naman ang makukuha nilang 13th month pay and bonus.

*Gandang-ganda ako kay Pia Arcangel. Nasasapawan na nya si Bernadette Sembrano. Wake up Bernadette! Impress me.

*Dahil gandang-ganda nga ako kay Pia Arcangel, I made a little research about her. Meron pala syang restaurant. Heaven and Eggs ang name ng restaurant business nya.

*Nakakatuwa kasi napapansin na ng isa kong Ate na pumapayat na ako. Meaning, effective ang 30 minutes jogging ko every morning plus strict diet.

*Delicious ang burger and onion rings ng Brother’s Burger. Kahit I’m on a strict diet mode, pinatulan ko pa rin yun for the sake of Jhec and Che. Alam ko kasing miss na miss na nila ako eh. Naks!

*Kinasal na yung crush kong DJ. Her name is Anne of Wave 891. I greeted her thru Twitter. Ayun, she appreciated naman. Here’s my tweet: “just found out that you're married na @iamannej. pano na tayo? pano na ko? :) anyway, a big congrats! cheers!”. Here’s her tweet naman: “Thanks much @marloncamerino! :) God bless you!”.

*Panalo ang pagod na nararamdaman ng team namin ngayon. We worked overtime last holiday Friday and last weekend kasi may mga clients kaming dumating. Kailangan naming magpa-impress sa kanila. Kaya ngayon, kulang na lang eh hilahin ko ang araw para dumating na ang weekend. Kailangan ko ng pahinga and peace of mind.

*Top 5 si Leila (my pamangkin) sa class nila. Proud uncle.

*Nagsara na ang radio station na 103.5 Max FM. Ang ipinalit sa kanila, 103.5 Wow FM. From dance-pop station to pangmasa station.

*Isa pang radio station ang magsasara. Ito ang U92. Some of the DJs here are KC Montero, Sarah Meier, Cesca Litton, Vicky Herrera, etc. The reason, I don't know.

*Nasa Survival stage na ko sa Plants vs. Zombies. Promise, nahu-hook ako sa game na’to.

*Just this morning, our Australian boss hurriedly called our receptionist. He asked her to go downstairs to buy some bananas. Since it’s bananas, we are expecting for some bananaques. When our receptionist came, ayun, real bananas talaga ang dala nya. All of us are laughing on our own disappointments. Inenjoy na lang namin yung mga saging.

*I was reading an online forum. The title of the thread was “Call Center Bloopers”. Here are some of the entries from the said thread.

agent: hi! may i speak with mr. X
client: (yellin) i don't talk to people on sunday most especially at night!
agent: (pissed off!) and who do you talk to? animals? aliens? or your fuckin' self?
client: (hung up)
agent: laughin! Hahaha

customer: where are you located?
agent: we're located in the Philippines
customer: where is the Philippines?
agent: sir you know Japan..? turn left..hehehehehe

customer: Where are you based?
gay agent: In the Philippines, Sir!
customer: So, you are a Filipino?
gay agent: No, Sir. I'm half-Filipino, and half-Filipina!!!

agent: May i know your date of birth?
customer: My what?
agent: Sir your date of birth
customer: What?
agent: You know Sir..happy birthday to you..(Kumanta ng birthday song).


***

Tuesday, August 24, 2010

Sa Mga Panahong…

Sana manager/boss na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong pumasok sa office ng late at umalis sa office ng as early as 5:00.

Sana chef na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong tikman ang mga pagkaing hindi pasok sa budget at masakit sa bulsa.

Sana puppeteer na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong magpasaya ng ibang tao.

Sana traffic enforcer na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong umuwi ng walang traffic.

Sana flight steward na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong mag-travel ng libre.

Sana radio DJ na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong marinig rin ng ibang tao ang boses ko.

Sana receptionist na lang ang trabaho ko sa mga panahong ngarag at umaapaw ang pressure ko sa katawan dahil sa dami ng requirements.

Sana reporter or news anchor na lang ang trabaho ko sa mga panahong naiinggit ako kina Jiggy Manicad (co-anchor of Pia Arcangel) at Alex Santos (co-anchor of Bernadette Sembrano).

Sana singer na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong kumanta sa Araneta Coliseum.

Sana IT Programmer na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong magdemand ng higher salary kahit two years pa lang ang experience ko.

Sana theater actor na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong mag-perform habang pinapanood ng mga tao na kabilang sa alta-sociedad.

Sana welder na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong maging in-demand din lalo na sa Australia.

Sana print model na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong makita ang sarili ko sa mga billboards sa EDSA.

Sana photographer na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong ma-capture and mga nice and beautiful angels ng ating bansa.

Sana movie critic na lang ang trabaho ko sa mga panahong gusto kong panoorin ang lahat ng magagandang movies ng libre.

***

Thursday, August 12, 2010

Major Turn Off

Thursday, August 12, 2010, off to office before 8am.

Nakasakay ako sa bus from Baclaran papuntang Lawton. There is this girl student from San Juan De Dios, pretty and petite. Siguro Nursing student sya kasi may dala syang libro about Anatomy and Physiology.

Pumreno si driver. Napakapit sya sa headboard ng upuan sa harapan ko. And then suddenly, I saw her finernails. Nahiya naman ako para sa kanya. Kulang-kulang na yung cutics (tama ba yung spelling?) nya. Eto pang malupet, mahaba ang mga kuko nya na maitim. Yung tipong pwede mong pagtaniman ng kamote yung ilalim ng kuko nya.

That made me conclude that...

***

Wednesday, July 21, 2010

Love Letter / Suicide Note

Dear Gelai,

Siguro ngayon napapaisip ka, bakit kaya ako binigyan ng mokong na yun ng sulat? Love leter ba ‘to o suicide note? Ako sa totoo lang, di ko alam. Baka parehas. Love letter kasi wala naman ibang laman ang sulat na ‘to maliban sa bagay na alam mo na. Na mahal na mahal kita. Suicide note kasi di ko alam kung paano mo tatanggapin ang pagtatapat ko sayo. Natatakot ako na kamatayan na ‘to, ng kung ano mang namamagitan satin na ang tagal-tagal ko nang pinagpapagurang itayo. Sana hindi naman.

Hindi ko alam kung maiintindihan mo pero lumalaban rin lang ako sa kung anong mahalaga para sakin. Ikaw yun. At ang nararamdaman ko para sayo.

Alam mo sa URCC, ang pakikipaglaban puno lagi ng dugo at mga sugat. Pero may laban pala na kahit walang dugo mas masakit, mas nakamamatay. Yung laban na walang nakakakita, walang nanonood. Pero yun ang laban na sinusuong ko araw-araw kapag nakikita kita. At kahit mamatay ako ng ilang milyong beses para sayo, masaya kong gagawin yun. Kasi Gelai, sa laban na yun nararamdaman ko na buhay ako. Buhay ako para sa pagmamahal. Ang baduy man pakinggan pero dun ako sa totoo lang.

Bahala na. Pag lumalaban ka naman, gagawin mo lahat para manalo diba?

-Caloy

*The letter above came from the series "Magkaribal". It's so painful and emotional that I have to repost it.

***

Wednesday, July 7, 2010

24

When I was still studying, mixed emotions ako kapag dumarating ang month ng June. Right after June, July na ang sunod. July is my month. July 08 kasi ang birth date ko eh. July 8, 1986 to be exact.

Today is my special day. I turned 24 today. And because I turned a year older today, let’s make a little assessment. Paano ko ba ma-aasess ang sarili ko from the past 24 years of my life?

Umpisahan natin on the physical side. I gained a lot of weight. Lalo na nowadays that I am working na. Nakahiligan ko kasing kumain everytime I am stressed sa trabaho. Before kasi when I was on my third year in high school, I lose a lot of weight because of the CAT training. But now, I really gained a lot, as in a lot. Imagine, hindi ko na kailangang partneran ng belt ang mga pants which I don’t usually do. I need to lose weight. Plano ko na dati yun. Lagi yang una sa aking list of New Year’s Resolution. I tried to lose weight na din kaso lagi akong talo sa tandem nina “diet” and “discipline”.

I became mature when it comes to social interaction. Madali kong nakakasundo ang mga tao sa paligid ko, sa workplace man or sa ordinary place. Ginagamitan ko lang ng proper timing at charm. Kapag hindi ka kasi natututong makibagay sa iba’t ibang tao, ikaw lang din ang mahihirapan. Pinag-aralan ko yun and tingin ko, successful naman ako. With the use of different social networking sites, nagkaroon ako ng easy access sa mga long time friends ko. Surprisingly, just this year, I attended our Elementary, High School and College reunions. Kulang na lang, pati preschool friends ko eh hagilapin ko for us to catch things up.

Emotionally speaking, mas naging broad-minded ako. I don’t entertain emotions or feelings na alam kong hindi naman kailangan. As of the moment, wala pa rin akong girlfriend. May pinormahan ako pero nasa healing stage pa sya at mukhang hindi pa ready tumanggap ng suitors. So we ended up constantly texting each other na lang. I also let go my feelings to my beloved Physiological Psychology professor. Ako naman ang nahihirapan eh, hindi sya. Now, may nirereto sa akin yung isa kong colleague. Sana maging kami.

Honestly speaking, mas napadalas ang pagpunta ko sa church lalo na last year because of my eldest sister. She keeps on nagging me to go to church. To say thank you to Him. Pero, honestly speaking ulit, nakakalimutan ko pa ding magdasal every night bago matulog. Inaamin ko yan. And I’m sure, lahat naman tayo ay may ganyang kasalanan sa Kanya.

Masaya ang buhay. Masaya ang first 24 years of my life.

Salamat sa lahat ng naging part ng 24 years ko.

Salamat sa Kanya.

Salamat sa family and relatives ko.

Salamat sa mga kaibigan ko.

Salamat sa lahat ng nakapaligid sa akin, nakikita ko man or hindi.

Salamat kay Nanay for preparing the menudo that I brought today to the office for my colleagues.

Salamat kay Ella. Sya kasi ang earliest greeter. She’s greeted me last July 1, a day before the birthday of her habibi.

Salamat sa lahat ng naka-alala at hindi naka-alala.

Salamat sa lahat ng nangungulit ng blow-out.

Salamat sa’yo kasi I expected na you will greet me.

Salamat sa buhay.

***

Chelsea!!! Nag-iisa ka!!!

Marlon Camerino: lam mo ba, si chelsea.
Marlon Camerino: nalungkot knnang umaga.
Marlon Camerino: lam mo kung bakit???
Cherrie Abalos: baket
Marlon Camerino: pde kang humula ng tatlong beses. game!
Cherrie Abalos: kasi walang nagpunta sa mga for interview nya?
Marlon Camerino: wrong.
Cherrie Abalos: ano nga? sabihin mo na lang. wala ako maisip
Cherrie Abalos: teka
Cherrie Abalos: ikakasal na ex nya?
Marlon Camerino: wrong.
Cherrie Abalos: ano nga?
Marlon Camerino: eto naman.
Marlon Camerino: eto na, kc wla syang FB notifications.
Cherrie Abalos: awwwwwwww
Marlon Camerino: atat p nman 'to evry morning magbukas ng FB.
Marlon Camerino: pagcheck nya knna, wala!!!
Cherrie Abalos: pero ganyan din naman ako
Cherrie Abalos: knina nga 3notifications lang saken
Cherrie Abalos: hehe.. pero hindi naman ako masyadong affected. sya ba?
Marlon Camerino: tamang afected lang.
Cherrie Abalos: natawa naman ako
Cherrie Abalos: sabi ko na mababaw lang eh
Marlon Camerino: tps eto pa, pag nagppost sya sa wall tps wlang nagcocoment, binubura nya ung pinost nya...
Cherrie Abalos: hahahahahahahahahahahahahahaha
Cherrie Abalos: nakakaloka talaga yang kaibigan mo
Marlon Camerino: ndi sya natutuwa kpag ni-like mo lng ung post. dpat magccomment ka...
Cherrie Abalos: nyhahahahahahaha
Cherrie Abalos: grabe
Marlon Camerino: hahahahaha.. lokoloko 'tong si chelsea eh.
Marlon Camerino: trabaho!!!
Cherrie Abalos: go

Thursday, July 1, 2010

I Am a Frustrated Radio DJ

You can see at my profile that I am a “frustrated Radio DJ”. Admittedly, yes, I am. Ewan ko ba. Sa dinami-rami ng magiging frustration sa buhay, maging isang Radio DJ ang gusto ko. Ok, wag na natin sabihing “frustration” yung pagiging Radio DJ. Sabihin na nating dream job or dream career ko yun.

Paano ba pumasok sa isip ko ang maging isang Radio DJ?

Simple lang, mahilig kasi akong makinig ng radyo.

Paano ako nahilig making ng radyo?

Simple lang ulit, I’ve been influenced by my family and peer unintentionally.

I grew up listening to radio. Lagi kasing nakikinig ang mga ate ko ng radyo. Favorite radio station nila ang Mellow Touch 94.7 (na ngayon ay Mellow 947) because their playing mellow songs alinsunod sa pangalan ng station nila. But then again they switch na into contemporary genres of music na.

Napabarkada din ako sa mahihilig din sa mga music, updated man or outdated.

As time goes by, nagkaroon na rin ako ng sariling preference sa mga radio station na gusto kong pakinggan kasabay ng pagpili ng type of music na trip kong pakinggan.

Nag-eenjoy ako kapag naririnig ko ang boses ni Anne with her co-breakfast duo Jada both from Wave 891. Anne was first partnered with Rye while Jada was with Jason and Eri on their evening show. Both Rye and Jason transferred to U92. Kailan lang naging Wave 891 ang Wave 891 because before, they call their station Wave 89.1. They played mostly RnB songs that’s why they tag themselves as “The Most Influential RnB Station”.

Background ko sina Mo, Mojo and Grace Lee every morning kapag hindi ko gusto ang mga tugtog or discussion sa Wave 891. These guys were jocks from Magic 89.9. They were in charge of their program Good Times. Grace Lee was not the original female host of the show. Andi-9 came first substituted by Maui Taylor then Grace Lee. They talked and discuss anything under the sun. Boys Night Out composed of Slick Rick, Tony Toni and Sam YG was part of Magic 89.9.

I also enjoyed listening to Rain of 103.5 Max FM every night on my way home. Her original partner was Johny Chase but for some important reason, they were separated and have their own corresponding shows.

Minsan na din akong na-inlove sa boses ni Delamar of Monster Radio RX 93.1. She is with Chico for their Morning Rush show, the rival show of Mo’s Good Times.

When I want to listen to mellow and classis songs, I always tune-in to Chloe of 96.3 Easy Rock which is originally 96.3 Lite Rock.

Siguro, isa rin sila sa dahilan kung bakit nakahiligan ko ang pakikinig ko sa radyo and why I am dying to be a Radio DJ.

Pero kung hahanapan nyo ko ng malalim na dahilan kung bakit ko gustong maging isang RADIO DJ, wala.

***

Thursday, June 17, 2010

Celtics or Lakers?

Today (June 18, 2010) is the Game 7 of NBA Finals between Boston Celtics and Los Angeles Lakers.





Everybody is raving about the game. Laman ng mga social networking sites ang mga shout outs ng mga fans.

Ok, to tell you honestly, I’m not a fan of NBA. But my problem is, these people who are pretending na fan sila ng NBA, na fan sila ng Lakers and Celtics. Come on, alam naman natin na hindi talaga sila fan. Most of them are girls pa. Grabe kung maka-post sa Facebook or Twitter ng mga cheers nila for their respective teams. I have these thoughts why they are pretending na they are a fan of this league.

First, NBA is a guy’s game. Now, ASTIG nga naman kapag isa kang girl tapos nanunuod ka pala ng isang larong pang-lalaki.

Second, dahil trending topic ang NBA Finals, gusto nilang maki-uso. Para nga naman hindi sila nahuhuli sa uso.

Lastly, uso ang pustahan that’s why they are cheering for their teams which I’m sure eh hindi naman nila talaga alam ang tungkol sa team na sinusuportahan nila.

Alam kong walang basagan ng trip. Kanya-kanyang opinion lang yan. Isa lang ang sasabihin ko, go on and pretend. This is just a game. Pero dyan natin masasalamin kung sino ba or ano ang TOTOO sa buhay at nararamdaman ng isang tao, specifically, IKAW.


***

Wednesday, June 9, 2010

When We Invaded Hundred Islands

More than two months naming pinaghandaan ang biggest outing ng batch.
We decided to invade Pangasinan naman, specifically the famous Hundred Islands.



Exciting kasi this is our first time na mag-out of town.
Cherrie and Lilia leaded the group: Cherrie as the organizer, si Lilia naman ang sagot sa venue and place kung saan kami titira.
Syempre tumulong din kami sa preparations.
Brainstorming, walang katapusang brainstorming.
Hassle, walang katapusang hassle.
Isabay mo pa ang pabago-bagong panahon.
Laman ng shout-out namin sa iba’t ibang social networking sites si Mr. Sun.

May 28, 2010, 8:00PM Trinoma ang meeting place.

Early birds ang mag-asawang Jerome and Cherryl.



Sumunod si Cherrie and Kish, then Jhec and Ryan.




Followed by Marlon and Chelsea tapos sina Lorna and Ghie.




Late dumating si manong driver that made us redefine the word “stress”.
“Stress” means Cherrie.
Im telling you, nagmukha talagang 50 years old si Cherrie that time.
After nth year, 10:00PM off to Pangasinan na.
Pag sakay pa lang ng van, picturan na agad.




Si Ghie ang sagot sa ingay.
Pero sandali lang sya nag-ingay, knock-out din agad.
Kahit ako, knock-out din kasi galing din akong trabaho.
Take note, Chelsea and I came from Taft Avenue pa.
Ooops!
I don’t have the reason pala para magreklamo because Jhec and Ryan came from ParaƱaque.
Mas malayo yun kung tutuusin.
Mahaba ang byahe.
Mahabang mahaba.
Bulacan.
Pampanga.
Tarlac.
Those three provinces ang dadaanan namin before we hit Pangasinan.
Stop over kami sa Lake Shore Petron Gasoline Station to meet Lilia, Ariel and ang pick-up nila dala-dala ang mga foams na gagamitin namin.
Patuloy na tumakbo an gaming sasakyan.
Napakaraming toll gates.
Memorable sa group ang term na Mangatarem (which I mistakenly called Mangangaterm) dahil sa urban legend story.
According to stories, kailangan daw bumusina sa mga tulay na madadaanan namin.
Nagkatakutan.
Sandaling nagkatakutan.
Sandali ring kaming tumigil dahil naiwanan naming sina Ariel and Lilia.
Dahil dun, kailangan namin silang balikan sa TUTAL. (referring to TOTAL Gas Station)
We arrived, at last sa staff house ni Ariel at exactly 3:30 AM.




Lilia served us Ginatang Totong with Coconut Milk.



Freshen up then tulugan na.
Hindi rin naman kami nakatulog dahil sa mga hirit na pick-up lines ni Ghie at sa dalawang pusa.
Dahil sa inis ko dun sa dalawang pusa, hinarangan ko ng dalawang silya yung pinto not knowing na pwede pa ring makadaan yung mga pusa sa ilalim nung silya.
Sabi nga ni Cherrie, lumevel yung pag-iisip ko sa pag-iisip nung pusa.
Wadahel!

6:00 AM, off to Palengke na kami (Cherrie, Cherryl, Ryan, Lilia, Ariel, Chelsea, Jhec, Ghie, Lorna and ako) when we woke up.




1000 ang budget.
Kailangan naming pagkasyahin yun for our food.




We’re done.
Jerome took the duty as the cook.
Galing magluto ni loko.
Chicken and pork adobo, sinigang na bangus, ensaladang mangga, maraming fruits, junk foods at marami pang iba.

9:30AM, head on to the island na kami.





Pinagbigyan ang grupo, akala namin.
Mainit ang panahon.
Then suddenly, pasakay na kami ng boat ng biglang bawiin sa amin ang pag-asang matagal naming hiningi. (lalim!)



Mahaba din ang tinakbo ng boat bago namin narating ang Quezon Island.
Maraming tao.
Pagbaba pa lang ng grupo, picturan na.



Punta kami sa bundok wherein may sirena daw.
Pumunta kami dun.
Slipperless kami nina Ghie, Kish and Cherrie.
Parusa yun to think na mabato yung inakyat namin not knowing na statue lang ng sirena yung pinuntahan namin.
Picturan ulit.
Bumaba din kami sa… basta dun…
Dun ako unang nasugatan.
Ako nga yata ang unang nasugatan sa grupo.



Before we hop in to the boat, picturan ulit.



Next island: Marcos Island.
As usual, picturan.
Umakyat kami dun sa mataas na bundok then Ariel and Jerome decided to jump to the water.
Mataas yung pinanggalingan nila.




After magpakitang-gilas, bumaba na din kami.
Then we experienced our first swim.
Masaya ang lahat.
Malungkot si Jhec dahil sa nangyari sa havaianas nya.
Hindi mainit, hindi naulan.
Tama lang.
Sakto lang.




Then we head on to Lopez Island to eat.
Sarap kumain.
Tumatagaktak ang pawis ng lahat habang kumakain.

After magkainan, nagsolo na ang magjo-jowa.




Iniisip naming mabisang pangpa-puti ang white sand kasi nga, white sya.
Dahil lowtide ng mga panahong yun, pumunta kami sa isang bato na sobrang daming corals.
Picturan ulit.
Dun din nabiktikma ng sea urchin si Ghie.
Dun na din namin inumpisahan mag-inom.
Food trip kami ng sineguelas.
Sarap.
Matagal din kaming tumigil dun.

Then we decided to invade other island naman: Governor’s Island where the Pinoy Big Brother House is located.
Picturan ulit sa Bahay ni Kuya.




Dahil hindi pa tapos ang tomahan, inom ulit.
Take note, si Ghie pala ang taga-tagay.



After Governor’s Island, we returned to Quezon Island.
Dun na namin tinapos ang araw namin.
Swim.
Swim.
Swim.
Nasugatan si Jhec.
Nawalan ng isang slipper si Ariel.
Minaster ni Cherrie and Kish and snorkling.
Nanghuli ng isda si Jerome and Cherryl.
Nagsolo si Lorna. (Damn monthly period).
Una ang pwet na bumagsak si Ghie.
Naka-inom ako ng maraming tubig-dagat.
Nag-get to know each other si Lilia and Chelsea.
Picturan ulit.




After couple of minutes, we decided to end the climax of the event.
Balik na sa laot.
Kanya-kanyang bitbit ng mga dala papunta sa sasakyan.
Lorna bought some souvenirs.
Pagbalik sa bahay, kanya-kanyang retouch na.
Kanya-kanyang shower.
Kanya-kanyang dinner.
Kanya-kanyang kwentuhan.
Kanya-kanyang diskarte si Jerome and driver kung paano tatanggalin ang sea urchin sa paa ni Ghie.
Kanya-kanyang eksena.
Kanya-kanyang pwesto sa pagtulog.
Kanya-kanya.
9:30PM, tulog na ang lahat.

Kinabukasan, uwian na.
Again, kanya-kanya ulit.
Kanyang-kanyang agawan sa sequence ng paliligo.
Kanya-kanyang ligo.
Kanya-kanyang breakfast.
Kanya-kanyang pagkuha ng mga sinampay dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Kanya-kanyang ayos ng gamit.
Kanya-kanyang kuha ng manggang pasalubong.



Pagkatapos ng maraming “kanya-kanya” at bago umalis, natumba pa ang jug ng tubig.
Kanya-kanya ulit.
Kanya-kanya kami nina Jhec and Ryan ng punas at mop ng natapon na tubig.




Hindi pa natapos ang kanya-kanya.
Kanya-kanyang bili ng pasalubong.
Longanisa.
Daing na Bangus.
Kakanin.
Dried pusit.
Tupig.
Bagoong.
That’s the time na nagpaalam na kami kay Lilia and Ariel.
We took our way na to Manila.
Tigil kami sa Jolibee to buy some food for lunch.
During our trip, ilang beses yatang umulan at umaraw.
Tapos, alis na ulit.
Uulitin ko, mahaba ang byahe.
Mahabang-mahaba.
Drop by sa isang gasoline station.
Juminggle.
Tumingin tingin habang nagpapahinga ang aming sasakyan.






After ng pahinga at walang katapusang picturan, umalis na din kami.
Sa pagod, hindi ko na alam kung anong oras na kami dumating sa Rob Galleria.
Pasok kami sa mall, dala-dala ang mala-bato sa bigat na mga bags namin.
Naghiwa-hiwalay na kami.
Si Chelsea, papuntang Makati.
Si Ryan and Jhec, papuntang ParaƱaque.
Ako, Cherrie, Cherryl, Kish, Jerome, Ghie and Lorna papuntang Cavite naman.
Isang text message from Cherrie ang tumapos sa gig ng grupo.
“Magpahinga” na daw kasi kami based sa message nya.
Tama sya, kailangan na naming magpahinga.
Sinunod ko sya.
Nagpahinga ako.
Masaya.
Masayang-masaya.

Cheers to Ghie, Cherrie, Lorna, Ryan, Cherryl, Marlon, Jhec, Lilia, Chelsea, Jerome, Ariel and Kish.


Until next gig.

***

Wednesday, June 2, 2010

I'll Get Back To You Soon

Dear my blogspot,

Gustong-gusto kitang i-update but I can't.

I'm so busy.

I'll get back to you soon.

Don't worry.

Ciao for now.

_Marlon

***

Friday, May 28, 2010

Unexpected

I posted the link of my blogspot in my Yahoo Messenger shout out board.

The outcome... see below.

Kit Coronel: hi marlon i checked ur blogspot nice
Marlon Camerino: hey kit! thanks!
Marlon Camerino: u hav one ba?
Kit Coronel: wala e
Kit Coronel: but i have my notes lang here in FB
Marlon Camerino: oo. i read some of ur entries sa FB. ayos din!
Kit Coronel: hahaha thanks
Marlon Camerino: frustrated writer and radio dj kc ako eh.
Kit Coronel: well u should pursue it kaya lang emotional writer ka so kapag sad sad lahat ng entries mo
Kit Coronel: hehehe
Kit Coronel: heartbroken ka pala
Kit Coronel: anyway keep up ur blogs will check them from time to time
Marlon Camerino: wahaha.. sure. thanks ulit. update ka din ng notes mo.
Kit Coronel: haha wala pang spontanoues thoughts lately e
Marlon Camerino: ok. luking forward for ur entries. aprub?
Kit Coronel: sure thing
Kit Coronel: :)

Kit Coronel was my crush during my R2 Holdings days.

Wednesday, May 26, 2010

Huli na’to. Para sa’yo.

Sometimes, I browse your profile sa FB. Online stalking.

I even collected your text messages.

Kapag nababanggit ang pangalan mo or bigla kang napag-uusapan ng grupo, gumagandang bigla ang araw ko kapag ito’y pangit or mas lalo pa itong gumaganda kung ito’y maganda na.

Ganun ka sa akin.

Again, I hurriedly checked your profile sa FB. May newly uploaded pictures ka daw kasi. And then suddenly, gumuho ang mundo ko nung nakita ko ang hindi ko na dapat tiningnan. Nakakatuwa at nakaka-inis isipin na iba yung naramdaman kong pain. Para akong binasted after I courted you for almost 4 years. Feeling ko kasi ganoon eh, niligawan kita ng hindi mo alam. Kulang na lang sabihin ko sa sarili ko na, hindi dapat. Hindi ko dapat maramdaman yun kasi wala naman akong karapatan. Hindi naman talaga dapat eh. Makulit lang ako. Pinahihirapan ko lang ang sarili ko.

Bigla tuloy akong napa-tweet ng ganito: Seeing her with her "the one” made me wish to have a time machine.

Pero hindi pa din. Para saan yung time machine kung sya naman talaga ang gusto mo. Kung magkakasabay ba tayong pinanganak, ako ba at hindi sya ang kasama mo sa nagdaang Valentine’s Day? Bumababa na naman tuloy ang self-esteem ko, pero I’m not blaming you. I’m blaming myself.

Tinapon ko na ang three year-old Chokies cookies na binigay mo sa amin. Akala ko makakatulong yun. Pero hindi din pala.

Nag-confess ako sa dalawa kong kaibigan. Sinabi ko sa kanila ang naramdaman ako at nararamdaman ko pa din hanggang kahapon ng umaga. Inilabas ko lahat. Lahat lahat. During our conversation, lumabas talaga na ako ang may kasalanan. Ako ang dapat sisihin. Ako ang tanga. Ako ang nakakatawa. Ako ang corny. Ako lang.

Hindi naman naging tayo. Hindi ko nga binalak na maging tayo dahil sa sagradong kadahilanan. Hindi pwedeng maging tayo kasi nga sa kanya ka na. Pero ang hirap sa akin, considering those scenarios, hirap na hirap akong maglet-go, magmove-on at mamuhay ng matiwasay. Wala ka naman para makausap kita about dito. Malayo ka. Malayong-malayo. And I’m sure, kung pwede kitang kausapin tungkol dito, sasabihin mo lang din ang mga sinabi sa akin ng dalawa kong kaibigan. Let go. Move on.

Ok. Huli na’to. Para sa’yo. Mali, para sa akin pala. Magmu-move on na ko. Kasabay ng pagtugtog ng kantang “I love you, Goodbye” na kasalukuyang isinisigaw ng cellphone ng katabi ko, kakawala na ko sa’yo. Let go. Move on. Mamuhay ng matiwasay.

Para sa’yo.

Mali ulit, para sa akin pala ulit.

***

Pseudo-Relationship: Parang kayo, Pero Hindi

Scenario No. 1:

She is a 24-year old copywriter. He is an architect. They met and became lovers in college. They broke up last year but remained to be "friends." They send sweet text messages and he calls her often to make sure she's okay. They still date. They still have sex. They don't see anyone else. It is obvious that they still love each other but when asked about their situation, she doesn't know the real score. Even her friends are in the dark. "Parang sila, pero hindi."

Scenario No. 2:

She works in a telecom. He is reviewing for the board. They are in the same barkada. They talk on the phone till 4 am. He gives her chocolates, flowers and CDs even when there is no occasion. Their friends are suspecting something. Bakit sila nagsosolo kapag may overnight inuman? Why does he hold her close on the dance floor? Bakit sila magkaholding hands lagi? Sila kaya? "He hasn't admitted anything," she rants. "But I let him hug and kiss me. Parang kami, pero hindi."

Scenario No. 3:

They work together in an ad agency. After office, they would watch movie, have dinner and stroll at Glorietta. She gave him Harry Potter books for his birthday in exchange for posing as her boyfriend to make an ex jealous. They made out during the company outing in Subic and never talked about it. He said "I love you" once but she wasn't sure if she heard him correctly because they were both drunk then. But one thing she is sure of is her feelings for him. She likes him. And she's assuming that with what he's doing to her and with her, he likes her, too. There's just one hitch: he has a girlfriend!

Eto pa, Scenario No. 4:

She is a 28-year-old virgin. He's a 35-year-old bachelor. Both mountaineers, they became close during their climbs. After a few dates in posh restaurants, he brings her to his condo where they would make out. They have been doing this for months. She wants to believe that "sila na" but then she's not really sure about it. "We don't talk about it but it doesn't really matter," she'd tell her friends. "What's important is I am enjoying this -- whatever it is."

The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo- boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers.

Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa.

Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna.

Testing lang.

Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo --usually the guy --may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo." This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro."

Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?

Iba't ibang dahilan. Puwedeng for fun lang.

Puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom, pamatid-uhaw."

Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship
at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest reason
that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit.

My rationalization, "okay na iyun, kesa wala."

Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang
wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can't ask him to commit. Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo?
May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can't expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can't be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya.
Even if you are dying to tell him you love him, you can't. Because you're not sure if he'll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn't? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would
be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang
pinanghahawakan.

Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us."

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo- relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, "Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka.
Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita."

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo.

Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang
doon lang siya ... almost, but not quite.

This is without a doubt one of the nicest good luck forwards I have received.

Hope it works for you.


***


Originally posted by Christian Alvarez

Katakot-takot na takot

*I already said to my entry entitled “Gusto ko, kaso…” na I want to be a poll watcher sa 2010 Election, kaso nga, natakot ako when I heard the news na may namatay na teacher during last election.

*Hindi ako nakatulog that night when I first saw the original version of “The Grudge”. Hindi rin ako gumamit ng kumot for three days. For sure, moviegoers who watched the movie know the reason. Sa mga hindi pa napapanood yung movie, it’s for you to find out.

*Kung taga-Cavite ka at sa NCR ka nagta-trabaho or nag-aaral, tapos naramdaman mong traffic na agad after ng toll gate, umpisahan mo ng matakot because for sure hanggang Imus na ang traffic na yon. Cavite, walang asenso.

*Uso ang ati-atihan tuwing fiesta sa lugar namin. Takot na takot doon ang pinsan ko nung mga bata pa kami, lalo na dun sa naka-mask. Sa takot nya, binuhusan nya ng tubig yung naka-mask na member ng ati-atihan.

*Lahat naman yata ng tao, takot pumatay ng kapwa tao. Exempted na ang mga Ampatuan sa belief na yan dahil sa Maguindanao Massacre. Saan at ano pa kaya ang kinatatakutan nila since graduate na sila sa fear of killing people?

*A phobia (from the Greek: phobos, fear or morbid fear), is an intense and persistent fear of certain situations, activities, things, or people. The main symptom of this disorder is the excessive and unreasonable desire to avoid the feared subject. When the fear is beyond one's control, and if the fear is interfering with daily life, then a diagnosis under one of the anxiety disorders can be made.

*Noong mga bata kami, gusting gusto naming gayahin yung set-up ng “Are You Afraid of the Dark?”. Yung magku-kwentuhan around a bonfire. Kaso mga takot kami sa dilim that time. Hide and Seek na lang ang nilalaro namin. Lalo na kapag browout.

*2nd November ’09, 2:00am, after dumalaw sa cemetery, kumain kami sa isang restaurant na Chicken Inasal ang specialty. Pagpasok namin sa venue, nakita namin yung taga-samin na tatakbong Brgy. Captain ng lugar namin. Ang siste, may ka-table sya. Nagulat at natakot sya dahil lahat kami ay mga botante at boboto na sa 2010 Election. Ayun, sa takot nyang baka magsumbong kami, sila ang nagbayad ng kinain namin. Instant libre. Sarap.

*Twice na nangyari sa akin na I fell in love sa isang close friend ko. Weakness ko yan talaga. Kaya natatakot akong may maka-close na naman na girl friend. Baka ma-fall na naman ako.

*Natatakot ako para sa mga taong hindi natatakot sa mga kalokohang ginawa, ginagawa at gagawin pa nila.

*”Meron akong kilalang frustrated writer. Gusto nya ding maging dubber ng anime. Pero heto sya, gasgas din ang lalamunan kakatawag at pudpod ang mga daliri dahil sa kaka-text sa mga aplikante. Kailangan ng trabaho eh. Again, hindi na nya nasunod ang pangarap nya dahil sa takot na hindi sya kikita ng pera at ang posibilidad na hindi makatulong sa mga magulang. Hirap kasi ng buhay eh. Sabi ko nga sa item #2, “Maniwala lang tayo at itigil ang corruptions”, baka sakaling maraming pangarap din ang matupad.” –from my entry “Iba’t Ibang Realizations”

* Siguro dahil na din sa mga bad happenings and events na naganap sa bansang Saudi kaya maraming takot at ayaw mag-trabaho sa bansang yon.

*Based daw sa end of Mayan Calendar and takbo ng kwento ng movie na “2012”. Nakakatakot lang kasi very accurate ang calendar na iyon.

*Kung ako ay may takot sa phobia, anong klaseng phobia ang meron ako?



***

Alice Cullen

Dumating ang ate ko galing work.

Masaya sya kasi pinahiram sya ng officemate nya ng pirated copy ng Twilight.

Tama.

After a couple of months, ngayon lang nya naisip na mag-effort para mapanood ang Twilight.

Siguro dahil na din sa ipapalabas na din ang sequel nitong New Moon kaya na-intriga sya.

Marami na din akong narinig na feedback about the movie.

About Bella.

About Edward.

About the differences of the movie and the book itself.

Pero hindi pa din ako nanood.

Kasi naisip ko, one typical chick flick lang naman 'to.

The mortality and immortality of the leads also add some spice to the story.

But last Sunday, pinalabas sa Star Movies ang Twilight.

I gave the movie a try.

Tsaka, ginaya ko din yung isa kong kakilala na panoorin ang movie before i-criticize tsaka para maging fair sa mga fans.

Tama nga naman, puro negative criticisms ang binabato namin sa movie eh hindi pa namin napapanood yung movie.

Anyway, pinanood ko sya.

Napakadaming cheesy moments ni Bella and Edward.

Kulang na kulang ang fight scenes.

Pero panalo ang Cullens' baseball scene.

Dahil sa scene na yan, nakilala ko si Alice Cullen.

She's an effin hot pitcher in that particular scene.

And right now, her picture is now my desktop background.


***

Gusto ko, kaso…

1:37 PM.
Working Area.
Background Music: How Do You Heal a Broken Heart of Chris Walker

*Gusto kong mag-aral sa FEU dati kaso sobrang expensive ng tuition fee nung nag-inquire ako before.

*Gusto kong maging professor si Mel Tiangco, kaso hindi ko alam kung professor ba sya or broadcaster lang talaga or gusto nya bang magturo. Basta, ganun.

*Gusto kong magsuot ng shades, kaso malabo ang mga mata ko, baka madapa lang ako kapag nagsuot ako ng nun.

*Gusto kong maka-date si Bernadette Sembrano kaso married na sya sa Mayor yata ng Kawit, Cavite. CaviteƱo pang karibal ko. Takte.

*Gusto ko ng KFC’s fully loaded, yung may kasamang twister, kaso diet ako. Bwiset na diet na yan, nauso pa.

*Gusto kong maging RnB singer kaso baka ako lang ang sumuporta sa sarili kong kahibangan. Gising Marlon!

*Gusto kong maging Radio DJ (eto talaga, matagal ko ng pangarap yan), kaso I don’t have the guts to do it at hindi din ako kagalingan sa English, sa Physiological Psychology lang. :D

*Gusto ko kumpleto ang group kapag binisita namin si Ara on the 28th, kaso 50-50 si Lorie eh. Earth calling Che, Jhec and Sha, ituloy natin ‘to.

*Gusto kong mag-contact lens, kaso nakakatulog ako bus, bawal makatulog kapag nakasuot ang lens.

*Gusto ko ng mababait at polite na mga applicants, kaso malabo mangyari yun. Lagi na lang ako nakaka-encounter ng applicant na mas marunong pa sa Recruiter. Wtf.

*Gusto ko si Carla Abellana, kaso sabi ng ate ko, ma-panga daw. Hahaha.

*Gusto ko pasabugin ang TV namin kapag nakikita ko ang mga commercials ng mga politicians na tatakbo sa 2010, kaso papagalitan ako ni Nanay for sure kasi libangan nya ang TV kapag primetime.

*Gusto kong maging Engineering student before, kaso ayoko talaga ng Math. Ayoko! Ayoko! Ayoko! Lalo na ang Algebra. Wtf ulit.

*Gusto kong maging poll watcher sa 2010 Election, kaso noong nakita kong may namatay na teacher noong nakaraang election, natakot ako. Wag na lang pala.

*Gusto kita, kaso sa kanya ka na.


***

Ikaw at ang Buwan

12:47am, full moon.
Tugtog: Meet Me Halfway of Black Eyed Peas

Kanina lang nasalubong ko ang litrato mo sa net. Nakangiti, mayroong sinasabi ang iyong mga mata na kahit kailan ay hindi ko nakita nang makapag-usap tayo sa parking lot ng Ateneo. Dun sa bench na nakasandal sa malaking puting pader ng kung anong building.

Makulimlim ang langit noon. Tanghaling tapat pero hindi dumudungaw ang araw. Baka nagsawa na rin sa ating dalawa, nainip dahil inabot na tayo ng isa’t kalahating taon ay hindi pa rin tayo sigurado kung gusto natin ang isa’t isa. Isang malaking kulay abong ulap ang pumayong sa atin, parang naghihintay ng signo kung kelan niya ibubuhos ang kanyang humahagulgol na ulan.

Kahit na tayong dalawa lang sa lugar na iyon, mayroon pa ring malaking patlang sa pagkakaupo natin, nagtataka na rin ang mga kuliglig kung bakit tayo ganun. Matagal na pala iyon. Mas maganda ka ngayon kumpara nung nakaraang dalawang taon, noong huli tayong magkita sa Ateneo. Kung hindi kasi tayo nag-usap noon malamang hindi kita ngayon hinahagilap sa net.

Sabi ko sa iyo marami ka pang makikilala sa darating na panahon --na hindi natatapos ang araw sa pagbaba natin ng telepono matapos tayong mag-usap ng ilang oras. Tanong ko sa iyo, “mag-ano ba talaga tayo?” Isang taon na tayong nakikipaglaro kay kupido, malamang siya rin ay napagod na sa pakikipaghabulan sa ating dalawa, nawalan ng pag-asang iakma ang kanyang pana at tamaan tayo sa isang kumpas. Pero walang panaang naganap. Walang nangyari.

Tinanong ko sa iyo kung gusto mo ba akong mawala sa buhay mo para maging masaya ka. Iyon lang kasi ang naisip kong paraan para hindi na tayo mahirapan ipaliwanag ang malabong litrato nating dalawa. Binulong mong hindi. Binulong mong huwag kong gagawin yun. Binulong mong mas ok kung hindi tayo mawawalan ng komunikasyon sa isa’t isa habang gumigilid ang luha sa iyong kaliwang mata.

Sabi ko kahit hindi tayo dumating sa isang romantikong relasyon, basta hindi natin babasagin ang manipis na salaming naghihiwalay sa atin, upang hindi tayo malayo sa paningin ng isa’t isa. Basta huwag.

Matagal na pala iyon. ‘Ni hindi ko na sigurado kung ito nga ba ang tunay na nangyari.

Naalala ko pa noong isang pasko, nang una kitang pinuntahan sa bahay niyo. Bitbit ang isang mangkok ng haleang ubeng gawa ng nanay ko at isang kahong brownies, kinatok ko ang bahay niyo bandang ala-una ng umaga. Nagulat ka noon, sobrang gulat mo siguro tuloy hindi mo na naisipang papasukin ako sa loob. Umuwi na lang akong nakangiti.

Simula noon bawal nang hindi tayo magkausap sa telepono o sa text man lang. Hanggang sa pag-akyat ko ng bundok hindi kita maiwasang tawagan. Nakabantay kasi ang buwan sa ating dalawa. Pareho niya tayong inaakit tuwing namimilog siya sa langit ng ating mga bintana.

“Sana ‘andito ka. Sana kasama kita dito. Malamig pero anlapit ko sa buwan. Naaalala kita. Sana andito ka.”

Kaya’t tuwing nakikita ko ang buwan, nakikita kita. Isang malaking salaming bumubuntot sa ating dalawa san man tayo pumunta, magkasama man o hindi. Magkaaway man o magkabati.

“Balang araw iaakyat kita dito.”

Low bat.

Nakakatawang isipin na ang cellphone na siyang unang nagpalapit sa ating dalawa ang siyang magbibigay tuldok sa lahat. Apat na text messages lang ang aking katapat. Ang magkakasunod na message alert tone ang umagaw ng aking pagkakatulala.

Maraming salita, puro Inggles. Puro paliwanag, puro lohika at rasyunal. Isang Hallmark Card na hindi tungkol sa pag-ibig.

Madalas tayong magdebate sa buhay, lalo na sa dalawang unibersidad na napasukan natin. Noong minsang isinama mo ako sa Katips ay nanlumo ako sa estado ng kabataan doon. Parang pekeng Pilipinas, sabi ko sa sarili. Madalas ko kasing punahin ang estado ng mga estudyante doon, lalo na ng mga apatetikong mga tao sa lipunan.

Marami tayong napagkukuwentuhan at napagmumuni-munihan. Tungkol sa mga aktibo at pasibo, sa mga masa at mga konyito’t konyita. Tungkol sa isang mundong puro baluktot at iilang matuwid. Tungkol sa pinagkaiba ng mga Isko at ng mga Arneyan. Tungkol sa isang bansang mayroong dalawang mukha. Siguro, habang nagpapanting ang tenga nating dalawa sa mahahaba nating diskusyunan sa telepono, text at e-mail, ay tungkol na rin sa pinagkaiba nating dalawa.

Sinuyod ng aking mata ang lcd screen ng 3310 ko. Dahan-dahang iniskrol ang mensahe mong hindi matapos-tapos, hindi matarok ng ulo ko ang mga sinasabi mo. O ayaw ko lang talagang intindihin?

Apat na mensaheng magkakarugtong, iisa lang ang sinasabi:

“I don’t want to do anything with you anymore.” Hanggang sa huli mong binigkas na mga salita ay pinatunayan mong Atenean ka pa rin.

Battery Empty. Katahimikan.

Bumalik ako sa pagkakatulala. Nakita ko nang parating iyon, matagal na. Ang sa akin lang ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano pigilan ang pangyayaring iyon noong dumating ang masamang balita. Sana lang ay naunahan kita bago mo ako pinaglaho.

Binasag mo ang salamin sa pagitan nating dalawa, ngunit sa halip na magkadampian ang ating mga balat matapos ang mahabang paghihintay ay tuluyan na tayong nabulagan ng mga bubog nito. Hindi ko na iniwasan ang pagtama ng iyong desisyon sa aking mga mata. Mangyayari din yun balang araw, iyon ang paliwanag ko sa sarili.

At hindi na kita nakita. Dalawang taon na kitang hindi makita. Naka-ilang bundok din akong ginapang sa pag-asang makikita ko ang repleksiyon mo sa sinasamba nating buwan, ngunit tsaka ko lang malalamang maulap ang langit kapag nakarating na ako sa tuktok nito. Sana’y hindi na tayo nagkita sa Ateneo noong nakaraang taon. Sana’y naisama kita sa isang akyat ko maski isang beses man lang.

At ngayon, nakatitig ako sa litrato mong hindi ko maiwasang i-download sa net. ‘Ansarap titigan ng iyong mga matang nangungusap. ‘Ansarap isiping nakilala kita kahapon, nakasama at nakakuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. ‘Ansarap ng pakiramdam ng muling pagkikita, personal man o hindi, ng dalawang nawawalang kaluluwa dahil ngayon lang kita tunay na napagmamasdan. Matapos ang tatlong taon ay ngayon lang kita tunay na naiintindihan.

Mas maganda ka ngayon, katulad ng buwan.

***


(Credit to the owner)