Kakapost ko lang ng graduation pictures ng batch namin sa FB last October 12, 2009. While looking at the pictures, naisip ko lang na swerte pa din pala ako. Kasi bukod sa nakasama ko ang mga mokongs/psychotics na mga classmates ko, nakapag-aral ako at ngayon eh kumikita na din kahit papaano. Hindi nga lang kasing-laki ng nasa payslip ng dalawang kaibigan ko na IT Recruiters.
Nakakuha na ng passport yung isa naming kaibigan. Not later this year, lilipad na sya papuntang Singapore para hanapin ang swerte at ang trabahong para sa kanya na magbibigay sa kanya ng magandang kita. Tingin ko naman, nasa paniniwala lang yan eh tsaka determinasyon. Kaya mong kumita ng malaki dito sa Pinas. Maniwala lang tayo at itigil ang corruptions.
Nasa akin pa din ang Chokies cookies na nakuha namin as a consolation prize sa Filipino Psychology Presentation namin. Hindi ko kinain yung cookies na yun kasi for me, remembrance sa akin yun nung crush kong professor. Crush ko pa din yata sya until now. Pero bigla na lang pumasok sa isip ko, kailangan ng magmove-on kasabay ng pagmumove-on ng mga nabiktima ni Ondoy and Pepeng.
Ngayon ko lang napatunayan na hindi ko naman pala kailangang magpaka-gentle man kahit paminsan-minsan nang malaman kong naging last woman standing sa bus pauwi ng Cavite ang isa kong kaibigan. Ang nakakatawa dun, maraming lalake ang mga nakaupo.
Ang isang tao, pwedeng maging one hundred percent na matapat. Pero kung maling prinsipyo ang ginamit at pinakitaan mo ng malaking pera, malamang, kakalimutan na nya ang pagiging matapat.
Gusto ko ng bagong phone pero kailangan pa ding isipin ang mas mga importante pang bagay, Matino pa naman ang cellphone ko ngayon eh. Next time na lang kita bibilin, Blackberry ko, kapag bumaba na ang market value mo. :D
After graduation, nauso sa amin ang sabay-sabay na pagja-job hunt. Pero ineffective kaya nagkanya-kanya na din. Meron kaming kaibigan, hindi sya makapag-apply ng sya lang. Ayun, nakatampuhan nya yung isa pa naming kaibigan. Higit pa doon, hindi naming alam kung may trabaho na ba sya ngayon. Lesson learned: Be independent.
Hindi naman pala nakasalalay sa mga produktong may L-Carnitine ang success ng pag-didiet. Kailangan lang ay ang self-discipline at labanan ang mga temptations ng mga masasarap na pagkain. Hopefully, maging successful na ko sa diet ko.
One of my major job descriptions ay ang maghanap ng mga aplikanteng interesadong subukan ang kapalaran nila sa ibang bansa. Dahil dito, naging hobbies ko na ang tumawag at magtext sa mga aplikante. Tawag dito. Text doon. Tawag dito. Text doon. Because of these, naisip ko na mas marami ang subscribers ng Smart compare sa Globe. Correct me if I am wrong. Hahaha. Pangmasa versus Pangsosyal.
Lagi na lang Blue and Green ang mga inaabangang kulay every season ng UAAP. Lagi na lang Ateneo at La Salle ang bida. Lagi na lang sa Araneta Coliseum ang venue kapag sila ang magkalaban. Hindi naman sa bitter ako, naisip ko lang naman yung nararamdaman ng ibang schools na members ng UAAP.
Mas masarap pala ang siomai ng Siomai House kaysa sa siomai ng Henlin. Mura na, siksik pa.
Eto pa. Kahit gaano ka katakaw, mabubusog ka pa din kapag umorder ka sa KFC ng Wow Steak meal tsaka Wow Burger meal. Upsize ang drinks and fries. Panalo yang combo na yan. Try nyo.
Lagi na lang napakaraming tao sa MRT at LRT. Marami na talaga ang nagcocommute dahil sa hirap ng buhay. Pati yung mga may sasakyan, nagcocommute na din. Display na lang sa bahay nila ang mga sasakyan nila.
Habang tumatagal, paganda ng paganda si Bernadette Sembrano, lalo ko tuloy inaamin sa sarili ko na meant to be talaga kami kahit sa ano pa mang dahilan. Hahaha. Bawal kumontra.
Meron akong kilalang frustrated writer. Gusto nya ding maging dubber ng anime. Pero heto sya, gasgas din ang lalamunan kakatawag at pudpod ang mga daliri dahil sa kaka-text sa mga aplikante. Kailangan ng trabaho eh. Again, hindi na nya nasunod ang pangarap nya dahil sa pangambang hindi sya kikita ng pera at ang posibilidad na hindi makatulong sa mga magulang. Hirap kasi ng buhay eh. Sabi ko nga sa item #2, “Maniwala lang tayo at itigil ang corruptions”, baka sakaling maraming pangarap din ang matupad.
Ako naman, frustrated Radio DJ naman ang pauso ko. Pero, wala akong guts and self confidence para subukan or pursue ang frustration ko na yan. Dahil dyan kailangan kong dagdagan ang self confidence ko at pakapalin pa ng konti ang mukha.
***
No comments:
Post a Comment