Bitin yung first entry ko.
Here's the continuation.
Enjoy!
*Palapit na ang Graduation Ceremony. Kanya-kanyang bili ng isusuot para sa event. Malls, divisoria, tiangge, etc. Couple of days before Graduation, nagkaroon ng doubt na baka pareho ng nabiling dress si Ara and Mae. Parehong red. Parehong lugar kung saan binili. Parehong-pareho ng descriptions. False alarm lang pala. Naku, kung nagkataon, sarap nilang picturan pareho.
*Sugod sa Chowking SM Dasma ang grupo. Half of the class yata ang pumunta. Siguro natuwa masyado yung manager kaya ina-accommodate kami ng todo. Nagkamali sya, puro halo-halo lang ang inorder ng grupo. Nanghingi pa kami ng chopsticks.
*Champion ang A.S. sa Darts – Men’s Division courtesy of Jerome. After getting his medal, nagpa-picture si loko. Nakakatuwa kasi proud na proud sya. Peace Jerome!
*Usapang Champion pa din, Over-all Champion ang A.S. sa Intrams during our third year. Walk out ang ibang course kasi bakit A.S. ang nagover-all eh hindi daw nag-excel ang course namin sa outdoor games. Eh halos hakutin kasi ng A.S. ang awards sa indoor games.
*Celly – Luther loveteam.
*Mina – Marlon loveteam. Hi Mina!
*Roylan – Ma’am Torres loveteam. Dude, pati professor natin sa Literature, crush mo.
*Roylan – Haidee loveteam. Nakanang, walang tatalo sa tambalan na yan. We asked Haidee if ever na manligaw si Roylan sa kanya, may pag-asa kaya. At ang panalo at full of confidence na sagot ni Haidee: “Ok lang.”
*Eh si Melody, natatandaan nyo ba? Sya ang bumirit ng Whitney Houston song Underground (baba ng Shalom), with matching papikit-pikit pa. Sya din ang nawawalang BFF ni Che.
*Allan: (singing) I love you, Papa Jesus! I love you, Papa Jesus!
*First year. Nauso ang Tronix Digital Printing. Punta sa mall ang grupo nila Sharon, Hazel, Celly, Cherrie and Jhec. Eh kulang sila ng dalawa. Ayun, nahigit nila tuloy sina Allan and Marlon para makumpleto yung required numer of persons sa picture. Nauto kami that time pero after nun, lagi na kaming nasa Shalom.
*Eto pa. Joie versus Ivan, Tep, Shiela, Lorna at ang napaka-tapang na si Gethsemani. Eh kayo naman kasi, kinokopyahan nyo daw sya.
*”Kick-Double Change” ni Sir HiƱola during PE. Pinalitan yan ni Allan ng famous line ni Sharon: “ih ba naman ih.”
*Hindi sumabay mag-take ng Information Technology class si Lorie sa amin. Bakit? Kasi conflict yung time ng subject sa time slot ng Meteor Garden. Dao Ming Si!!!
*Ang intriga sa likod ng award na “Most Outstanding Practicumer”.
*”Stupid Love” ng Salbakuta ang laging finale song ng grupo kapag nagvi-videoke. Jologs ng kanta pero memorized ng grupo yan, lalo na ni Ara.
*Cake Festival ng Guidance Office. Bumaha ng cakes sa harap ng Guidance Office. Hindi man lang ibinahagi nung mga nanalo yung mga napanalunan nilang cakes. Gahaman!
*Fresh pa sa mga students ang pagkakapanalo ng PCU sa NCAA sa pamamagitan ng kanilang team captain na si Espina. Etong si Tep, merong nakitang High School student na kamukha ni Espina. Kinausap nya yun through English tapos she asked yata kung kapatid sya ni Espina. Kaadikan ni Tep.
*Second Year Acquaintance Party. Indang. Nag-slide yung isang girl classmate nila Willy. Panalo ang pagbagsak nya sa pool kaya laughtrip ang grupo not knowing na nalulunod na pala sya. Ayun, after syang ma-save, laughtrip ulit.
*Second Year Acquaintance Party. Indang ulit. Napaka-sayang pumasok ng grupo sa isang madilim na tunnel. Pero, ang pinaka-masaya sa lahat, si Jhec. Holding hands sila ni Aries all throughout the tunnel. Jhec, moment mo yun.
*First year, right after the Cheering Competition. Gamit ang mga basurahan, binuhusan kami ng tubig to officially welcome us to the Organization. Water came from the Second floor of the building. Teka, papatalo ba ang batch namin. Binuhusan din namin ng tubig yung mga bumasa sa amin. Akala nila ha. Honestly, basa ang underwear ko pauwi. No choice eh. At least, hindi kami napikon.
***
No comments:
Post a Comment