Natatandaan nyo ba ‘to?
*Ang pagbagsak ng kubo sa ulo ni Roylan. Ang alam ko, tumulong din ang mga boys na bumuhat ng kubo. Kaso hindi ko maisip kung bakit si Roylan lang ang natira at nabagsakan ng kubo. Thankful pa din si loko para sa second life nya.
*Lilia: Andyan na si Ma’am SAOL!!!
*Partida, one whole day practice lang pero first runner-up yung class natin sa Flag Dance. Si Salve ang nagdala pati yung gumanap na Emilio Aguinaldo. Sino nga ba yun?
*Ang pagdapa ni Tep para sa bola sa harap ng saklaan. Hindi man lang nya ginamit ang mga kamay nya para hindi magtuloy-tuloy yung pagdapa nya. Partida, nakapalda.
*Culminating activity. Thanksgiving speech ng mga graduates for their parents. It’s Jhec’s turn. Ayun, ineexpect na ng tropa ang kailangang i-expect. Nangyari na nga ang inaasahan. Wala ng gustong pumansin. Kaso etong si Ara, bumanat ng: “Ayan na sya.” That pertains sa panginginig ng cheeks ni Jhec tuwing kinakabahan. Peace Jhec!
*Philippine History or Phil. Gov. Class. Nag-away sila Ivan and Hyacinth.
*Ang muntikang pagdulas ni Che habang pineperform nila ni Ara ang Super Twins steps. Mga Kapuso!
*Ang unintentional na pag-gamit ni Marlon ng “Ara’s R - Pronunciation” habang nag-rerecite sa Methods of Research.
*Hindi ko alam kung anong ginagawa ng grupo sa saklaan. Napasarap at napalakas sa pagmumura si Ghie. Nasaktuhan sya nung Dean ng CBT. Bigla tuloy naging ComSci student si Ghie kasi tinanong sya kung anung course nya.
*Winning piece ni Tep and Rean: “Ni Yao De Ai”
*Nasubukan mo na bang talunin si Sir Ramos sa eye to eye contact? Si Sharon yata, natalo nya eh. Kaya hanggang graduation ceremony, eye to eye contact pa din silang dalawa.
*Akalain nyong napapayag ni Sir Perona na maging Ms. AS si Ivan.
*Bakit kasi pina-xerox natin yung lecture eh ang instructions eh kopyahin natin sa board? Nagalit tuloy si Ma’am Saul.
*Nag-15 minute break ang lahat habang may tinatanong ako kay Ma’am Abby regarding as Expe. Intensyon nila yun para kaming dalawa lang ang matira sa room. Hihihi. Thanks guys!
*Back to back championship award during our cheerleading competition. Go Liberals!
*Dahil sa kagutuman kasi hindi nag-lalunch, ayun, sumabog ang Peasta ni Che in the middle of Basic Stat class. Nakakahiya yun Che pero panalo.
*Allan – Tep loveteam. Nabuo yata yun sa Acquaintance Party natin nung first year. Correct me if I am wrong. Nakaupo si Tep sa kama tapos nakahiga sa lap nya si Allan. Sweet. Cheesy.
*Ara – Jerome loveteam.
*Ara – Rean loveteam.
*Ara – Willy loveteam. Bangis ni Ara. Alam ko kung anung nagdala dyan, yung nakakalokong ways ng pagtetext ni Ara. Nakakaloko talaga yun.
*Aries – Jhec loveteam.
*Sharon – Marlon loveteam. Hindi sumikat yan eh.
*Sharon – Paul – Jhec love triangle.
*Che – Kish – Marlon – Roylan love quadrangle. Bangis mo din Che! Yung pink shoulder bag mo ang nagdala eh.
*Muntik ng mapa-away si Jerome sa mga lalaki sa jeep pauwi dahil sa laser light. Buti na lang kilala nung mga lalaki si Che. Ligtas. Whew!
*Ang pamatay na Group Hug ni Allan and Marlon.
*Grand entrance ni Ivan sa Chemistry class.
*Peasta, hotcake, boy bawang, spicy flakes, turon at marami pang pang-tawid gutom na mabibili sa kubo.
*Naging “Yummy” din ang tawag ni Ma’am Abby sa crush ni Sharon. Yun ba naman kasi ang sinisigaw ng mga fans ni Sharon during the Woman’s Basketball League.
*Ang pag-aaway ni Celly at Jeleen sa Psychology Laboratory. Si Tep ang peacemaker. Naupo pa talaga silang tatlo sa table ni Sir Perona to discuss the issue. Panalo si Tep. Guidance Counselor ang pauso. With matching patango-tango pa.
*Nagalit si Sir Perona kay Roylan kaya pinalabas sya ng class. Hindi ko alam kung anong subject yon.
*Patintero sa harap ng saklaan at gutter. Sa ka-adikan ng grupo, pati sila Kuya Jamie, sumali na din. Mas humirap ang competition.
*Instead na hilahin palabas ni Tep yung keyboard, sinisilip nya yung keyboard sa ilalim ng desk nya. Hirap na hirap tuloy sya mag-type. Hirap tumawa nun. Seryoso kasi si Ma’am Raquion eh.
*Pinaghandaan ng three groups ang final defense. Tapos minadali. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit minadali ang final defense namin. Tensyonado ang grupo ng MA and MI nun dahil nagalit sa grupo nila si Lorie.
*Sino ba ang nagpauso na magbigay ang bawat isa ng codename nila tapos that codename will be use on that day? Kapag nagkamali ng tawag, multa ay piso. Nakalimutan ko na nga yung code ko eh. Ang natatandaan ko yung kay Adel eh, “Xilef”. Binaliktad na “Felix”. Name ng crush nyang member ng APO.
*English 2 Class. Wednesday. Wash day. Si Lorie, pumasok pero naka-uniform. Nagulat ang lahat. Nagulat din sya. Peace din Lorie!
*”Vodka” yung name ng pet namin nina Lorie and Ara. Kayo? Anong name ng Guinea Pig nyo?
*Nagalit sa ating lahat si Sir Perona kasi hindi tayo umattend ng class nya. Instead, sumama tayo kay Kuya Penol sa bahay nila.
Kung may nakalimutan ako, malamang hindi ko na-witness yun or absent ako.
***
No comments:
Post a Comment